Mumurahin Kita Bilang Respeto Sayo, Batas vs Righteous One

Nung una kong beses nalaman na may laban si Righteous1 ke BATAS sa Ahon 2 ng Fliptop Battle league, parang gusto ko tawagan ang Fliptop president na si Anygma para sabihin na may mali sa poster niya. Akala ko trip lang nila yun.

Pero seryoso pala sila.

Kung sa bagay, si BATAS lang naman ang may lakas ng loob na umalipusta kahit na sino. Kung ibang battle emcee ang ihaharap mo, baka maawa lang kay Righteous1 at bumitaw ng mga mahihinang lines.

Kung susuriin mo ng mabuti yung mga banat ni BATAS, napaka-teknikal ng mga panlalait niya. Ang ganda ng istorya. Ang ganda ng wordplay at ang husay ng bitaw. Hindi siya nagpakita ng awa.

Tinignan niya si Righteous1 bilang kapantay niya sa liga ng battle rap. Hindi niya ina-under estimate yung kalaban niya. Respeto sa kapwa battle emcee.

Dahil sa battle na to, tumaas ang respeto ko sa kakayahan ni BATAS. Karapat-dapat siya sa liga.

Kayo, ano ang take ninyo sa laban?

Nilalabas ng FLIPTOP ang mga bagong laban tuwing Wednesday at Saturday. SUBSCRIBE na sa kanilang channel: http://www.youtube.com/user/fliptopbattles

0 responses to “Mumurahin Kita Bilang Respeto Sayo, Batas vs Righteous One

  1. malakas naman talaga si batas . magaling mg wordplay tska may storya nga . di nakaka inip . more on mura nga lng . pero ayos 🙂 ayos si batas .

    • nakatulong pa nga ata yung laban niya kay righteous1. mas naiintindihan ko na ngayon ang pagiging teknikal ni batas kumpara dun sa laban niya ke dello dati.

      batas pinakamalakas!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *