Daily Archives: 2011-10-10

Binyagan natin ang Sun Life Building

May bagong building daw sa BGC. 14-storeys daw ito. Sun Life Financial building daw ang itatawag. P2-billion daw ang halaga para sa green building na to.

Sa corner ng 5th Avenue at Rizal Drive ang building.

Sun Life Financial

Sun Life Financial

 

Kasama si Piolo Pascual at ang Hebreo foundation, magkakaroong ng Vertical Run sa building na to sa December 10, 2011. 3pm mags-start ang takbuhan. Dito masusubukan ang tindig ng building na to.

Kasabay ng Vertical Run, meron din 3k, 5k at 10k races paikot ng Bonifacio Global City. Tatakbo daw si Piolo ng 10k pero hindi niya susubukan na i-beat ang personal record niya. Heel Strider daw siya (sabi niya).

Antayin natin ang poster para sa details ng takbuhan ha. Pag nakakuha ako ng kopya, ilalagay ko kagad dito.

 

Pa-load Nga Po Ng Bente

Nangyari ito kaninang umaga. Papasok ako ng trabaho. Bad Vibes ako buong araw dahi dito. Bad trip talaga!

Girl: Babe, kailangan ko magpa-load.

Boy: Sige tara, pa-load natin number mo. sa Globe di ba?

Girl: Oo sa Globe. Dito na tayo sa tindahan sa kanto?

Boy: Sure ka, Bhie? Ayaw mo sa kabila?

Girl: Out of way na yun Babe.

******

Boy: Pa-load nga po sa Globe.

Tindera (nakasimangot sa umaga): ….

Boy: May load po?

Tindera (hawak ang celphone): Ano number?

Boy: Bhie, ano daw number?

Girl: 0917

Tindera (madamot sa pag-ngiti): 0917

Girl: 56

Tindera: 56

Girl: 50

Tindera (biglang napahinto, at binura ang “5-6” sa celphone, patuloy ang simangot): 50

Girl: 202

Tindera: 202

….

Tindera (nakakunot ang noo, kulang nag numero): ???

Boy: 0917 – 56-50-202

Tindera: Sabi mo 50

Boy: Yan nga yung buong numero.

Tindera: Ayaw ninyo ayusin, nagtatagal tayo e.

Boy: O eto na po, 0917 – 56-50-202

Tindera (di talaga marunong ngumiti): Dalawa kasi ang nagdidikta e. Magkano?

Boy: Magkano daw, Bhie/

Girl: Twenty.

Boy: Twenty daw po.

Tindera (simangot at pagalit ang salita):  Twenty-Three.

******

Anak ka ng pitumpu’t pitong puting TUPA, anlaki na nga ng tinubo mo sa amin, wala man lang kaming nakuha kahit isang ngiti sa umagang ito. Bisita ang kasama ko sa barangay natin tapos pakikitaan mo kami ng ganyan?

Kung hindi mo natatandaan, may anak ka na kagawad!

Nung nakikipaglaban ako sa mga holdaper last year, wala naman kayong naging pakinabang e. Hindi ka na naging mabuting kapitbahay noon, hindi ka pa rin nagiging mabuting ka-barangay ngayon?

Wag mo sabihin sakin na survivor ka ng cancer. Pareho lang tayong masamang damo! May bala pa ako sa likod at hindi isang kagaya mo ang magpapatumba sa akin!

******

KUNG GALIT KA SA MUNDO WAG MO KAMING IDADAMAY!