Papasok sa school ang pinsan kong si Kuya Jon. Bago siya maligo, inutusan niya ako na ayusin ang chessboard. Maglalaro daw kami ng isang mabilis na chess game pagkatapos niyang maligo.
Masunurin naman ako. Never ko pa kasi siya natalo sa chess. Minsan lang siya magkaroon ng oras para makipaglaro sa amin kaya sisiguraduhin ko na matatalo ko siya sa pagkakataon na ito.

chess
Inayos ko ang chess set. Maayos na maayos. Queen ng black sa black, queen ng white sa white. Handang handa na ako.
At inantay ko siya makalabas ng paliguan.
Matapos ang ilang minuto, lumabas na rin na nakatuwalya lang ang pinsan ko.
Tinignan niya ang chessboard. Pumunta siya sa side ng puti. First move ang white sa game ng chess, pero hindi muna siya tumira. Tinanggal niya ang kalahati ng mga piyesa niya. Nagtanggal siya ng anim na piyesa: tatlong pawn, isang rook, isang knight at isang bishop.
Lamang ako neto!
Tumira siya ng una, inabante ang pawn na nasa harapan ng kanyang king. Sumagot naman ako ng tira.
Matapos ang mga pito hanggang walong moves, talo na ako. Hindi ko alam kung paano basta tinalo niya ako.
Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project: Memory Miyerkules” .
Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.