Hindi ako makatulog

Nagising ako ng 3:30am. Naalimpungatan. Check ko kagad ang PC ko na si Qarla dahil may tinatapos ako na patch sa Starcraft2. Hindi pa man sure na kasali ako, naghahanda na rin ako para sa isang tournament ng Starcraft2.

Tapos na rin ang patch sa wakas. Galing sa fresh install ang aking Starcraft2 at nagpatch ng 21 times bago maging up to date. Loko kasi yung recent patch na 1.4.1. Nag error at kinailangan kong i-reinstall yung program.

sleepless nights

sleepless nights

Sa kamalasan ko pa, nasira yung installation disk ko kaya nag torrent ako ng Starcraft 2 installer.

So bale, 1 day torrent, 1 day installation, 2 days patch at isang sleepless night dahil hindi ako makabalik sa tulog. Good bargain pero mas magiging ok kung makakapasok ako sa tournament.

Ano ba tong tournament na sinasabi ko? Panuorin ninyo DITO para malaman ninyo.

Well, para hindi naman ako maging salot sa lipunan, ,maglalaro at magpa-practice na lang ako ng Starcraft 2 hanggang sa dalawin ulit ako ng antok. Pero mukhang malabo na dahil 5am na.

Hahayaan ko na lang ang diwata na makatulog. Mukhang pagod na pagod din siya sa kanyang mga inasikaso e.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *