Memory Miyerkules Tago

Madalas kami uwian ng pasalubong ni mommy nung nagtatrabaho pa siya sa Dumez. Hindi ko alam kung ano ang trabaho niya noon pero madalas pag-uwi niya, may dala siyang chocolates. Toblerone ang paborito ko sa mga uwi niya.

Isang gabi, nagulat na lang ako nung pag-uwi niya e may kasama siyang iba pang mga babae. Mga ka-tropa niya ata yun sa opisina. E nahihiya ako sa kanila kaya hindi ko na sinalubong si mommy. Sure ako na gusto kami ipakilala sa mga officemates niya. Sure ako na ipapangalandakan na naman ang ka-gwapuhan ko sa mga katrabaho niya.

E mahiyain nga ako.

Kaya ang ginawa ko, nagtago ako. Hindi ako nagtago sa kwarto dahil sure ako na makikita nila ako doon. Nagtago ako sa ilalim ng lamesa. Buti na lang at tapos na kumain ang lahat.

Sa labas din ata kumain sila mommy noon kaya hindi na sila sa dining area nagkwentuhan. Dun na sila sa sala.

Medyo mahaba ang naging kwentuhan nila kaya hindi napatagal din ako sa ilalim ng lamesa. Sa inip ko, humiga ako sa nakaayos na mga upuan. Tatlong upuan na magkakatabi ang ginawa kong higaan.

Hindi nagtagal, nakatulog na ako.

Ginising na lang ako ng Tita ko nang madiskubre niya na doon ako nakahiga. Nagutom ata siya bigla pagdating ng hatinggabi at wala na ang mga bisita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *