Memory Miyerkules Mask Rider Black

Mabilisan lang to.

Uso ang palabas na Mask Rider Black noong bata ako. Parati ko ito pinapanuod dahil gusto ko noon mag-motor. Hindi ko alam ngayon kung baket wala akong motor at bisikleta lang ang meron ako.

mask rider black

mask rider black

Gustung gusto ko ang motor ni Mask Rider Black na si Battlehopper. Langaw ang disenyo nito ang pula ang headlights na parang mata ng langaw. Mabilis din ito mag-regenerate pag natatapunan ng asido. Astig ang porma ni Battlehopper.

Nung medyo nalaos si Battlehopper, nagkaroon naman ng bagong motor na ang pangalan ay RoadSector. Puti si RoadSector hindi kagaya ni Battlehopper. Meron itong shield para hindi tamaan ng bala si Mask Rider Black. Pero hindi ata siya kasimbilis ni Battlehopper.

Gusto ko rin sa palabas na ito ay ang finishing moves ni Mask Rider Black. Rider kick talaga ang panapos niya kaso, minsan na may kalaban siya na medyo matigas ang mukha at hindi natatalo ng Rider kick, ginamitan muna niya ito ng Rider punch tsaka sinundan ng combo na Rider kick. Ayun, tumba ang kalaban.

Ang pinakagusto ko sa palabas na ito ay ang visual lighting effects pag gagamitin na ng bida ang Rider punch at Rider kick. Pinapatay ko pa nga ang ilaw sa kwarto pag gagamitin na ang finishing moves e.

Sana may mag-cosplay neto sa halloween.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *