KFC no longer offer Pepsi products

Anak ka ng Pepsi. The main reason kung bakit kumakain pa rin ako sa KFC dahil kayo na lang ang nago-offer ng Pepsi products… Why switch to coke?

KFC

KFC

Actually, matagal na silang nag-switch. Ngayon ko lang naisipan isulat dahil ngayon lang talaga nag-sink in sa utak ko na kailangan ko kumain sa JollyJeep pag lunch break ko para lang makakuha ng Pepsi products.

E nagka-problema kanina.

Habang lunch ko, medyo lumakas ang hangin at umulan. Hindi ako makakapunta sa JollyJeep. Gustung-gusto ko talaga ng softdrinks at nagsasawa na ako sa coke. Pumasok ako sa KFC at umorder ng kanilang Php50 na bugdet meal. Para hindi masyadong matapang ang lasa ng softdrinks, Sprite ang inorder ko instead of Coke.

Naging matagumpay naman ang combination ng pagkain ko. Mas bumagay sa famous KFC gravy ang Sprite. Mas tama na combination ito.

Pero badtrip pa rin. Gusto ko ng Pepsi!

Pepsi ang gusto ko!

Pepsi ang gusto ko!

0 responses to “KFC no longer offer Pepsi products

  1. bili ka muna sa mercury ng Pepsi, saka ka kumain sa KFC. 😛

    • ang habol ko is yung value meal. mapapamahal ako pag sa mercury pa ako bibili ako ng pepsi doon..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *