Tanong na naman? Hindi ba pwedeng ma-Google yan?
Dati kasi, magulo ang web presence ng GMA 7. Meron silang iGma.tv para sa entertainment, gmanews.com para sa news, gmakapusofoundation.com at inq7.net. Hindi ko pa sure kung tama ang mga URL na binigay ko. Nalilito ako, at sure ako na confused rin kayo.
Nakakalito talaga di ba?
Dumating na ang panahon para baguhin ito. Pinapadali na nila ang buhay ng mga Kapuso fans. Para hindi na mahirapan, isang URL na lang ang kailangan tandaan: GMANETWORK.COM . O di ba astig?
Sa launch ng website kagabi, naimbitahan kami i-test drive ang website. Although meron pa silang mga bugs at spacing problems, unwanted scroll bars at pop out ads, ok na ang full banner na makikita sa bawat portion ng website.
Pinaka-excited ako sa Community tab. May forums daw doon kung saan pwedeng makipag-interact ang mga Kapuso all around the world. Syempre, moderated ang content para hindi naman magkaroon ng away.
Eto pala screenshot ng website. Click ninyo para maka-visit kayo:
At least hindi na tayo malilito. Pag sinabing website ng GMA, GMANETWORK.COM.
Salamat sa pagtitiwala, GMA Network, Inc