Daily Archives: 2011-11-02

Mr and Ms BonPen 2011

Nasa Pitogo, Quezon ako last weekend kasama ang mga bloggers. Nanuod kami ng Mr and Ms BonPen 2011.

Mr and Ms BonPen 2011

Magaganda ang mga contestants. Lahat sila ay nag-aaral pa. Karamihan ay nasa College level at may isa o dalawa naman na nasa High School pa. Ang personal favorite ko ay yung number 8. Nanalo siya ng Best in Swimsuit at first runner up. Sayang, di ko nakuha ang pangalan niya, pero may picture naman kaming dalawa.

Contestant number 8

Magaganda ang tindig nila. Mahuhusay sila sumayaw at magagaling maglakad. Meron pa ngang nakakapag-Tsunami Walk sa kanila e. Mahusay din sila sumagot sa Question and Answer portion.

Swimsuit Competition

Pero syempre, sa mga ganitong contests, may nananalo, may natatalo. So ipakikilala ko sa inyo si Jonalyn Jugo, ang Ms BonPen 2011. Winner din siya ng Ms Photogenic. Maganda siya mag-smile. Pati ang eyes niya ay ngumingiti. Pang-BEAUTY QUEEN talaga.

Si Jonalyn Jugo, aka Jolens, ay representative ng Catanauan. Magaling siya sumagot ng questions as in. Meron din siyang Facebook Fan page. Search niyo na lang.

Jonalyn Jugo, Ms BonPen 2011

Ahahaha. Jonalyn Jugo. Isa siyang KAMPEON!

Memory Miyerkules Grand Slam

Grand Slam, yang ang term pag tatlong major awards ang nakuha mo sa isang patimpalak.

Noong Second Year High School ako, nagkaroon ng contest sa amin. United Nations week yun at may fashion show para ipakita ang National Costumes ng mga bansa. New Zealand ang napili namin na country.

Ang naging representative para sa fashion show ay ako at si Super Ex. Hindi pa alam sa buong school na mag-on kami noon.

Madali lang gawin ang costume dahil natives of New Zealand ang ginamit namin na mga damit. Halos bahag na may suot lang na parang kurtina na gawa sa bamboo necklace ang sa lalaki at parang sarong lang naman ang sa babae. Kayang kaya ko naman yun i-model.

Nang tinawag na kami, pumasok kami sa stage mula sa gitna. Pagdating sa first point, hinubad ko ang aking polo para makita yung mga bamboo necklace. Wala na ako panloob nun. So parang nakahubad akong nagmomodel.

Naghihiyawan ang lahat ng tao dahil sa boldness ng ginawa ko. Wala nang hiya-hiya. Minsan lang ako makasali sa fashion show kaya nilubos ko na.

Naglakad ako papunta sa kaliwa ng stage habang si Super Ex naman ay sa kanan. Matapos mag-pose, palit naman kami ng lugar, then exit center stage.

Nanalo ako ng tatlong awards dahil sa ginawa ko; Best Pair kami ni Super Ex, Best Male Model ako at Best in Costume din.

Yun ang una at huling modeling stint ko. Hindi na naulit.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

New Marlboro Black

Ngayon ko lang isusulat sa blog ko na naninigarilyo ako.

Marlboro Black, itim, yan ang primary choice ko pag sa sigarilyo. Kung walang black, pwede na ang lights.

Kanina, matapos ako kumain ng lunch kasama ang ibang mga ka-opisina, nagpaiwan na ako sa tindahan para makapagyosi ng saglit. Kasabay ng pag sindi ko ng yosi at pagbili ng kendi ay ang pag-tawag ko sa Diwata.

old packaging Marlboro Black

old packaging Marlboro Black

Sandali lang kami nag-usap ng Diwata dahil busy siya sa kanilang business venture. Wala pang dalawang minuto ang pag-uusap namin.

Kung gaano kabilis ang usapan namin, ganun din kabilis maubos ang yosi ko. Nakakapagtaka dahil ang dating 8 minutes per stick e 5 minutes na lang.

Napansin ko na lang na may bagong packaging na ang Marlboro Black. Yung black border na naghihiwalay sa filter as sa body ng yosi ay mas makapal na. At sigurado ako na ang content ng yosi na yun ay mas mabilis masunog kumpara sa dati.

Tinanong ko yung nagtinda sa akin. Vinerify naman niya na bago na daw talaga ang Marlboro Black. Pinakita niya sa akin ang pakete at napansin ko na medyo mas astig nga ang kaha. Tsaka mas high class ang packaging.

Yan ang experience ko sa bagong Marlboro Black. Pag bumalik ako sa training ng takbo, mababawasan na ang yosi ko. Ayos lang dahil parang ayoko ng content ng yosi na mabilis masunog. Parang bitin tuloy ang isang stick.