Mr and Ms BonPen 2011

Nasa Pitogo, Quezon ako last weekend kasama ang mga bloggers. Nanuod kami ng Mr and Ms BonPen 2011.

Mr and Ms BonPen 2011

Magaganda ang mga contestants. Lahat sila ay nag-aaral pa. Karamihan ay nasa College level at may isa o dalawa naman na nasa High School pa. Ang personal favorite ko ay yung number 8. Nanalo siya ng Best in Swimsuit at first runner up. Sayang, di ko nakuha ang pangalan niya, pero may picture naman kaming dalawa.

Contestant number 8

Magaganda ang tindig nila. Mahuhusay sila sumayaw at magagaling maglakad. Meron pa ngang nakakapag-Tsunami Walk sa kanila e. Mahusay din sila sumagot sa Question and Answer portion.

Swimsuit Competition

Pero syempre, sa mga ganitong contests, may nananalo, may natatalo. So ipakikilala ko sa inyo si Jonalyn Jugo, ang Ms BonPen 2011. Winner din siya ng Ms Photogenic. Maganda siya mag-smile. Pati ang eyes niya ay ngumingiti. Pang-BEAUTY QUEEN talaga.

Si Jonalyn Jugo, aka Jolens, ay representative ng Catanauan. Magaling siya sumagot ng questions as in. Meron din siyang Facebook Fan page. Search niyo na lang.

Jonalyn Jugo, Ms BonPen 2011

Ahahaha. Jonalyn Jugo. Isa siyang KAMPEON!

0 responses to “Mr and Ms BonPen 2011

  1. Hello po!
    Ang ganda ganda po ng blog niyo.
    More power & God Bless!

    • waaaah. at binisita ako ng Ms BonPen 2011 sa blog ko. It is an honor.

      Maraming salamat sa picture naten ha.. I am sure makakapasok ka pa sa mas maraming beauty pageant. you will do well.

  2. Joemyka Basco Reyes

    ang swerte ko dahil nakapanood ako ng mr and ms bonpen ang ganda ng Bundok peninsula

    • andun ka rin? swerte talaga kasi astig ang production..

      may crush din ako na isang dancer dun e. yung maganda yung buhok at malaki ang tenga. ganda nya e. sayang, hindi ako nakapagpa-picture sa kanya.

  3. Nice! May nagblog pala nito. 🙂

Leave a Reply to aj Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *