Daily Archives: 2011-11-04

BonPen Fun Run and Bike Ride

Sa dami ng ginawa namin sa Quezon, I don’t think masusulat ko lahat. Pero pinipilit kong maisulat yung mga gusto ko iparating sa aking mga readers.

BonPen Fun Run. Fun naman talaga. Kung alam niyo lang, 256 kms ang coast to coast ng BonPen Highway. Kaya naman naisipan nila na patakbuhan ang 21kms nito at pasadahan ng mga bisikleta ang 51kms.

Kaso, may angal sila coach. Bukod sa late nag start ang takbuhan, hindi pa naalagaan ang 21k runners. Kahit pa ba sabihin natin na 25 na tao lang ang tumakbo ng 21k, dapat inalagaan pa rin sila. Biruin mo, sa 10k U-turn ang huling water station bago pa ang 21k U-turn. That is about 10k distance na walang tubig. Kung hindi nila kaya bigyan ng water stations, sana pinaki-usapan nila ang mga naninirahan sa mga bahay-bahay na maglabas ng tubig para sa mga runners.

Ako rin, may maliit na angal rin ako. May kalsada doon na sharp curve at naka tagilid ang pagkaka-konkreto ng daan. Hindi ako marunong tumakbo sa ganoong kalsada. Medyo nakaka-injure yun.

Anyway, na-cover ko ang 5k ng 25minutes at 28 seconds. Wala namang official time dahil wala silang timing chip. Php200 lang kasi ang race kit e. Hindi swak sa budget nila.

Buti, habang tumatakbo ako, meron nagpi-picture sa akin na kapwa blogger. Eto ang best picture ko:

promking sa BonPen Run

promking sa BonPen Run

Maraming salamat sa nagpicture sa akin na si Aileen at sa camera ni JayL.

Ako na ang nagsasabi sa inyo, maganda magpa ultra-marathon sa BonPen high way. Basta maisaayos ang takbuhan, sure ako may tatakbo ng 256 km distance.

Deadly yun. Mas mahaba pa yun kumpara sa Death March.