Grade 2 ako noon. Walo lang kami sa klase. Nagkaroon ng contest sa school at kailangan nila ng mga contestants.
Bawat klase, may tatlong representatives para sa Declamation Contest at tatlo pang ulit para sa Reading Contest. Anim lang kami kaya ang chance ko na hindi mapili ay 25%. Sa swerte ko naman, napili pa rin ako.
Nailagay ako sa Reading Contest. English ang babasahin. Hindi mo alam kung ano ang babasahin mo until tawagin ka sa stage. Ang natatandaan ko lang, tungkol sa pusa ang binasa ko.
Pangalawa ako sa mga contestants ng Reading Contest na yun. Hindi ako ganun ka-confident na manalo dahil mas bihasa talaga ako sa pagbabasa ng Tagalog. Isa pa, alam kong may mas mahusay sa akin. Be yourself na lang ang ginamit ko na technique.
Well, gumana naman siya. Pero sa edad ko na walo, masasabi ko na uhugin pa rin akong bata. Sa gitna ng stage e tumutulo ang sipon ko habang nagbabasa. Hindi ko naisipan na punasan dahil ayoko mahalata ng tao na uhugin ako. Lahat ng audience e nakatingin sa akin. Pati yun mga may crush sa akin na kaklase ko e matu-turn off kapag pinunasan ko ang sipon ko.
Bahala na.
Pinaspasan ko ang pagbabasa. Hindi ko alam kung tama ang pronunciation ko. Hindi ko alam kung may na-miss ako na paragraph. The earlier to finish, the better. Gustung-gusto ko na punasan ang sipon ko at ang tanging chance lang para magawa ko yun ay kung makakatalikod na ako sa audience. Ang chance lang na makatalikod ako ay pagkatapos ko mag-bow. At makakapag-bow lang ako pag tapos na ako magbasa.
Guess what, hindi ako nanalo sa Reading Contest. Si Maan Garra ata ang nanalo nun, at sigurado ako na hindi siya uhugin.
Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project: Memory Miyerkules” .
Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.