New Activity TAB in Twitter

Magpapaka-Tech blogger muna ako dahil namangha ako sa bagong tab na ito.

May bagong tab sa Twitter; at tinawag nila itong ACTIVITY tab. Dito mo makikita kung ano ang recently na favorites and follows ng mga fina-follow mo.

Natuwa ako sa bagong feature na ito dahil naghahanap ako ng mga pwede i-follow na tao sa Twitter. At syempre pa, tinitignan ko yung mga profile pics nila. Kapag sa Twitter feed mo kasi inabangan, wala kang makikita kapag hindi sila nai-mention ng mga fina-follow mo.

Isa pa, yung feature na “favorite” magkakaroon na ng saysay. Hindi na para sa sarili mo na lang ang pag favorite mo sa isang tweet. Makikita na rin ito ng iba.

So, kapag nag-follow ka sa akin sa Twitter ngayon, makikita na ng mga followers mo na interesado ka sa mga tweet ko at baka i-follow na rin nila ako. Try mo kaya na i-follow ako ngayon?

http://twitter.com/#!/pepideleon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *