Daily Archives: 2011-11-16

Memory Miyerkules Starcraft sa LAN

Di pa uso ang mga mabibilis na connection noon . Kapag gusto mo maka-connect sa internet, kailangan mo ng landline para maka-connect gamit ang dial up connection.

Pwede rin naman maka-connect sa LAN pag tinawagan mo ang modem ng kapitbahay mo. Kami, ang ginagawa namin, naglalaban kami ng Starcraft gamit ang LAN. Ang parati kong nakakalaro ay si AssaZIN.

Kinakapatid ko si AssaZIN. Mahusay siya sa Starcraft. Siguro dahil talagang bano lang ako. Paborito niya ang Zerg at ako naman ay Protoss.

Medyo metikuloso ako sa paglalaro. Gusto ko nakaayos ang base ko. Meron tamang spacing ang mga buildings at meron sequence ang pagcreate ng units.

Kaya naman nalalaman ni AssaZIN kung sino ang kalaro niya ng Starcraft depende sa ayos at disenyo ng base.

Ngayon, Starcraft 2 na. Hindi na ata naglalaro si AssaZIN nun pero ang alam ko, naglalaro nun ang kapatid niya na si noAnswer. Sana makalaro ko sila ulit. Kahit magkampi pa kami sa 2on2.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

Paulit-ulit lang

Hindi ka ba napapagod ng paulit-ulit?

Yang ang pinaka-latest na wall post sa FB ng Diwata. May hindi kasi kami pagkakaunawaan ngayon kaya medyo ma-drama yung mga Tweet at FB updates namin.

paulit ulit

Actually, yung ate niya na si Ate En, nagtext na rin sa akin dati ng daily quote na ganyan ang theme. Mahilig kasi yun magsend ng quotes sa lahat at dahil medyo nagpapa-bida ako sa kanya, niri-reply-an ko.

Nagreply pa nga ako sa kanya noon ng Freestyle quote e. Wala kasi akong archive ng mga quotes.

Uulitin ko lang din ang sagot ko sa ate niya, pero this time, sasagot ako gamit ang FB update ko.

hindi ako humihinto

Siguro nga, running ang pinakaboring na sport. Paulit-ulit na hakbang yun e. May rhythm na kaliwa-kanan-kaliwa. Yung iba nga, mas gusto pa nila ang mag-badminton kesa tumakbo dahil mas marami daw muscles na nagagamit ang mga agility sports kesa sa endurance sports.

Ako, wala akong paki-alam sa sinasabi nila. Para sa akin, ang pagtakbo ay nangangailangan ng mas matinding focus at dedication kumpara sa kahit na ano pang sport.

Kung wala kang focus, mabo-bore ka talaga.

Kung wala kang dedication, unang water station pa lang, lalakarin mo na hanggang finish line.

Ikumpara natin sa Pag-ibig yan. Malamang gets mo na pero kailangan ko pa rin i-state ang obvious.

Minsan talaga, magiging dragging na ang relationship ninyo. Minsan talaga makakakita ka ng mga bato sa kalsada. Minsan talaga, hihingalin ka dahil malayo pa ang water stations. At ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat, ang uphill at downhill na slopes.

Sa mga pagkakataong ito, babagalan mo lang ang pagtakbo. Medyo ika-calculate mo ang distance at gagandahan mo ang breathing. Kung kailangan mong sumigaw para i-clear ang lungs mo, gawin mo. Pero sa kahit na anong obstacles man yan, hindi ka dapat hihinto.

Sa finish line ka na lang huminto. At wag kalimutan na mag cool down exercises.

“I will never stop loving you.”