Daily Archives: 2011-11-17

How Do You Know When You Are IN LOVE?

May nagtanong sa akin nyan sa Formspring.me account ko. At dahil sinagot ko yung tanong, nag-flood sa twitter account ko ang mga Formspring responses ko.

How do you know that you are in love?

 

Kung gusto mo rin magtanong, click ka lang dito.

Habang sinasagot ko yung tanong, iniisip ko and Diwata. Syempre, hindi mo masasagot yang tanong na yan pag hindi ka in love.

Nagulat na lang ako nang pagbukas ko ng FB ng Diwata e iniisip niya rin pala ako. Pano ko nasabi? E nag upload siya ng pic sa FB at binigyan pa niya ng caption.

Dahil sa pagkabagot

So siguro, magkakaroon ako ng pangalawang sagot. Masasabi ko na in love ka nga kapag bored ka e gumagawa ka ng mga ganitong obra.

At marami pa siyang ginagawa na ganyan.

Di ko tuloy alam kung bored talaga siya o talagang in love  lang talaga.

.

Pampaseksi Recipe

Eto ang recently ko natutunan. Alam kong napapanahon to dahil malapit na ang Pasko at sigurado akong maraming tataba dahil sa Holidays. Pero kailangan natin pa rin isipin na may epektibo na recipe para sumeksi.

seksi

Meron akong mga kaibigan sa internet na naglalabas ng mga pictures nila ngayon. Sinasabihan ko nga sila na “seksi ka na a,” tsaka “konti na lang, kasingseksi mo na ang girlfriend ko.” Syempre nafa-flatter naman sila. Dahil nga naman dati talaga silang matataba.

Pero nung tanungin ko kung ano ang sikreto ng kanilang pagpapapayat, marami akong nakuha na sagot.

Pwede ka raw mag photo shop, o kaya magsuot ng itim, o kaya naman, tumabi sa mataba. Sure daw na papayat ka.

Eto lang ang pinaka-seryoso na sagot na nakuha ko:

“8 glasses of water a day. 8 hours of sleep at night.”

Ok, tandaan ninyo yan. Sure ako na se-seksi kayo!