Nakipag-barilan Na Naman Ako

Kung wala kang alam sa Starcraft, malamang hindi mo maiintindihan ito.

Nananaginip ako kanina, medyo intense. Isang Protoss Stalker daw ako at may kalaban akong apat na Terran Marines. Binibigyan ko daw sila ng dance moves para matira ng laser beam habang sila ay hirap na hirap tumakbo papalapit sa akin.

At take note, apat sila.

Terran Marine

Kaya naman nang maalimpungatang ako, ni-research ko ang stats ng Stalker at kinumpara ko sa isang Marine.

Ang Stalker ay may; attack range na 6, move speed na 2.953 at vision na 10.
Ang Marine naman; attack range na 5, move speed na 2.25 at vision na 9. 

Lumalabas na kahit apat na Marines pa ang makatapat ng isang Stalker na kagaya ko, sasayawan ko lang talaga sila dahil mas lamang ako sa kanila sa kahit na anong aspeto, unless na ma-catch nila ako by surprise o magkamali ako ng stutter steps.

Which reminds me, ganun ang nangyari sa akin last year.

Kung avid fan ka ng blog ko, malamang alam mo na sumalo ako ng bala galing sa isang holdaper last year. Sinayawan ko siya, kaya yung unang bala ay naiwasan ko. Hindi ko lang alam talaga kung paanong hindi ko naiwasan yung pangalawa.

Actually, apat din yung holdaper last year pero isa lang ang may tapang na barilin ako. Pag naka-engkwentro ako ng holdaper at any point moving forward, itutumba ko silang lahat kahit ilan pa sila.

Kaya nga this time, nakikipag-barilan ulit ako… sa loob ng Starcraft 2 world. Parati akong Protoss dahil yun ang pina-practice ko na race. Sa totoo lang, medyo nahihirapan pa rin ako umangat sa ladder. Nasa Silver league ako ngayon.

Paki-add na lang ako sa Starcraft 2 kung ikaw ay nasa South East Asia server. Ang IGN ko at PROMKING.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *