buy Clomiphene india Alam niyo ba kung paano ginagawa ang rootbeer? Hindi ako sure a pero naka-imbento ata kami ng paraan dati.
Parating may stock ng Coke Litro dito sa bahay noong marami pang tao na naninirahan dito. Kapag merienda, bibili lang ng ensaymada at kababayan, at sasabayan ng Coke, ayus na.
Parati rin may gatas sa umaga. May isang basong gatas ka na timplado na kapag dumating ka para sa almusal. Hindi ko alam kung sino ang nagtitimpla pero yung Mickey Mouse na baso ko ang parati nilang trip pagtimplahan ng gatas. Malaki yung baso na yun kaya napipilitan akong uminom ng higit sa isang tasa ng gatas araw-araw.
Sa totoo lang, tamad akong mag-almusal. Minsan ngang nalimutan ko ubusin ang gatas ko at umabot na yun hanggang merienda.
After ng isang bite ng ensaymada, sumilip ako sa baso. Kulay puti ang ilalim ng Mickey Mouse na baso ko kaya pag sinilip mo, parang walang laman kahit may kalahati pang gatas doon.

mickey mouse glass
Dalawang kagat, ansarap ng ensaymada. May mantikilya at asukal sa ibabaw. Spiral ang design ng ensaymada ng Kabayan Bakery.
Medyo kalahati pa ang ensaymada ng pinilit ko itong gawing bite size. Sinubo kong lahat dahil matapang ako. Ang ensaymada na ganito kasarap ay hindi dapat lalagpas ng tatlong kagat bago maubos.
Ano ba sa english ang nabulunan? Dahil nabulunan ako sa ensaymada at gusto ko ng Coke.
Mabilis na tinagayan ng Coke ang aking Mickey Mouse na baso. Mabilis itong napuno dahil may laman na nga itong gatas. Wala akong paki-alam basta kailangan ko ng panulak. Diretso shot ng Coke.
Coke na may Gatas.
Iba ang lasa niya. Kung ice cream ito, dapat coke float. Pero gatas lang e, kaya rootbeer lang.
Kaso, patented na pala ang rootbeer kaya tatawagin ko na lang na “Mickey Mouse Surprise Beverage” ang aking rootbeer.