I was expecting to be scared. Simula pa lang ng movie, medyo mabigat na ang loob ko at handa na ang baga ko sumigaw, pero hindi naging solusyon ang pagsigaw.
The Road, pinagbibidahan nila Carmina Villaroel, Marvin Agustin, Rhian Ramos, TJ Trinidad, Alden Richards, Lousie delos Reyes, Derrick Monasterio, Lexi Fernandez, Ynna Assistio, Renz Valerio at ang pinaka-cute sa lahat na si Barbie Forteza.

Barbie Forteza sa Celebrity screening ng The Road
Sa totoo lang, may medyo natagalan ako sa takbo ng intro. Hindi ko alam kung dapat akong kumuha ng popcorn sa length na 5 minutes na intro pa lang. Sulit naman yung intro dahil sa hindi inaasahan na pangyayari. Surround sound ang sinehan kaya hindi lang mga mata mo ang tatakutin, pati na rin ang iyong pandinig.
12 years na open case ang na-resolve dahil sa horror film na ito. Na-explain pa in detail kung bakit ganun ang pag-uugali ng mga mumu.
Matinis tumili si Lexi. Pero kung anung ganda ni Barbie, ganun naman ka-natural ang sigaw niya. Pag ako sumigaw, mas gugustuhin ko sumigaw na parang isang Barbie Forteza kesa maging Lexi Fernandez.
Hindi usual horror film na puro takutan lang ang ginawa ni Director Yam Laranas. Ako, kahit gustung gusto ko na umalis dahil sa takot, pinili ko pa rin umupo dahil sinusundan ko ang kwento. Hindi ka bibitaw sa kinauupuan mo.
Hindi nga ako nakapag-sipilyo pagkauwi ko dahil natatakot ako mag-isa sa kusina. Tinawag ko pa talaga ang Diwata para samahan ako sa kitchen dahil magtu-toothbrush ako.
Buti na lang nawawala ang lisensya ko, dahil if ever na may dala akong sasakyan nun, for sure, iiwanan ko na lang muna sa parking lot yung sasakyan at magko-commute ako pauwi.
Eto ang trailer ng movie:
Opening na sa November 30. Bonifacio Holiday