My Girlfriend Wants Me To Have New Shoes

“Ampanget ng suot mo. Wala sa uso.”

Parati yan sinasabi ng Diwata pag nagkikita kami sa labas. Wala daw akong sense of style. Sinasagot ko na lang siya na, “Kumportable naman ako sa suot ko.”

Radii Gilligan

Radii Gilligan

Isa sa mga dapat kong i-upgrade ay ang sapatos. Yung mga damit ko, unti-unti nang fini-face out galing sa cabinet para mapalitan ng bago. So kailangan ko naman ng sapatos.

Isa sa mga pinagpipilian ko ay ang Radii Gilligan o Radii Noble Low. Although kilala ang Radii para sa sapatos niya na Straight Jacket, parang mas bagay sa porma na fitted jeans at semi-fit na shirt ang hindi bulky na sapatos.

Pero ipapakita ko pa rin sa Diwata ang gusto ko na style. Sigurado ako na matutuwa yun pag nagkaroon ako ng Urban Athletics na shoes. Hindi lang sabay sa uso, kumportable pa sa paa.

Sa isang runner na katulad ko, importante ang pag-alaga sa mga paa. Hindi pwede yung mga sapatos na pwede kang matapilok at ma-injure sa pag-stroll mo sa mall. Hindi pwede yung nakakapaltos at lalong hindi pwede ang masyadong masikip o maluwag.

Sakto lang.

Kaya sana, bigyan ako ng mabait na si Santa Claus ng bagong Urban Athletics na shoes. Mabait naman ako buong taon e.

Ito ang aking blog entry sa contest na ito: http://www.flipclan.com/updated-flipclan-dot-com-and-urban-athletics-radii-contest/

Ang tinutukoy ko na Santa Claus ay ang Pinoy Urban Music at ang Urban Athletics .

Nasabi ko na ba na matutuwa ang Diwata pag may bago akong sapatos?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *