Kanina, nag-advent ceremony kami sa Family. Gumawa kasi ng advent wreath si mami at dahil kumpleto kami kanina, nag-seremonyas na rin kami para sindihan ang unang kandila.
Purple ang unang kandila. Ang turo ng simbahan, it symbolizes the light that Jesus will bring to the world. Purple ang kulay for repentance.

bat may kandila? sinong may birthday?
Pero sa na-experience ko kanina, iba ang naging meaning sa akin sa pagsindi ng kandila.
*************
Mahilig kumanta ang pamangkin ko na si Khiel. Kanta siya ng kanta. Lahat ng nursery rhymes na alam niya, kinakanta niya ng nasa tono. Sablay lang minsan ang lyrics pero gets mo ang song kapag pinakinggan mong mabuti.
Kabisado nga niya ang alphabet e. Kinakanta nagre-recite siya gamit ang “A is for Apple, A A Apple”.
Kanina, habang tahimik ang lahat at nakikinig sa Word of God na binabasa sa advent ceremony, sinasabayan naman ni Khiel ng kanta.
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
Dumating sa point na kailangan sindihan ang unang kandila. Naglabas ng lighter si dadi at inabot ke mami. Si mami ang nagsindi sa Purple Candle.
Nang makita ito ni Khiel, nagsimula na siya kumanta..
“Happy Birthday Yu Yu, Happy Birthday Yu Yu”Paulit ulit siyang kumanta. Walang tigil. Palakas ng palakas. Natatawa na nga ako pero pinigilan ko ang pagtawa.
“Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday Yu Yu.”******************************
Oo nga naman, para saan ba ang kandila ng advent wreath. Para kanino pa edi para sa may Birthday. Malamang alam mo kung sino ang may Birthday.
Hindi na secret kung sino ang may Birthday.
Bat ka ba nage-expect ng regalo sa Pasko… Ikaw ba ang may Birthday?