Daily Archives: 2011-12-09

Magluto Ka Ng Sarili Mong Pagkain by Pepper Lunch

Magluto ka ng sarili mong pagkain! Yan ang theme ng Pepper Lunch.

 

Pepper Lunch

Pepper Lunch

Sabi nila, masarap daw magmahal ang mga magagaling magluto. Syempre naman, dahil the best way to a man’s heart is through his stomach. Nakuha ba ninyo yung konek? Ako, parang hindi ko nakuha.

Anyway, sa Pepper Lunch, ilalatag sa iyo ang inorder mo na hindi pa luto. May option ka na ikaw ang mag mix ng ingredients mo habang mainit pa yung “Patented Electromagnetic Cooker” para maluto ng maigi yung pagkain, o di kaya naman ay utusan mo yung waiter na siya ang magluto ng pagkain para sa iyo.

 

Why Go To Pepper Lunch

Pag may ka-date ka, gusto mo parati, best foot forward ka. Kahit kapag misis mo na siya o girlfriend mo pa lang, dapat paminsan-minsan, kumakain kayo ng masarap.

Iba talaga ang quality ng food sa Pepper Lunch. May dental floss akong dala dahilmago-order ako ng meat pero guess what, hindi ko nagamit ang floss ko. Sa sobrang tender ng chicken at burger, hindi na sila kumapit sa ngipin ko.

Tsaka syempre, kung hindi ka talaga marunong magluto, at medyo feel mo mag-try kung paano mag-cook, I suggest sa Pepper Lunch ka pumunta.Sobrang dali lang talaga magluto gamit ang kanilang pre-heated pan.

Tips in Cooking

Kung gusto mo well done, press down the meat. Mas maaabsorb nun pagkain mo yung heat.

Pag medyo rare naman ang gusto mo, ipatong mo sa veggies yung meat.

Meron salt and pepper para lumasa ang pagkain. May honey para medyo matamis. Meron din garlic yung sauce para may konting spice.

Ganun lang ka-simple magluto sa Pepper Lunch.

**********

At syempre pa, para ma-enjoy mo yung food, mas ok pag ang kasama mo ay ang mga mahal mo sa buhay. Pwedeng pwede mo dalhin ang mga chikiting dito dahil may meal for kids sila.

Pepper Lunch

My Plate at Pepper Lunch After Eating

Trivia: May mga unan sa store na pwede mo i-hug. Hanapin mo na lang.

You may like their Facebook page here: https://www.facebook.com/pepperlunchphil