Daily Archives: 2011-12-14

Last Meteor Shower Daw Mamaya

Last Meteor Shower of 2011 Daw Mamaya.

Breaking news lang. Sabi lang to ni Kuya Kim. At syempre, verified sa Earthsky.org

Geminid meteor shower ang tawag sa meteor shower mamaya. Magaganap ang peak ng shower sa pagitan ng 1am at 3am. Sa bandang Castor star ng Gemini Constellation matatagpuan ang halos 50 meteors sa loob ng isang oras. Maaari daw lumabas ang meteors between 9pm and 6am, pero pinakamarami ang meteors sa peak hours ng shower.

Geminid Meteor Shower

Geminid Meteor Shower (photo from earth-issues.com)

Malas nga lang kung magiging maulap o maulan sa mga oras na to. Yung mga taga-Province na mayroong clear skies lamang ang makakakita ng ganda ng meteor shower. Tapos na ang Meteor shower pag taga-US ka pero pag taga-Asia ka, mamaya pa lang magsisimula.

So pano, i-ready na natin ang mga telescope at tawagin na ang F4. Abangan na natin ang Meteor Shower mamaya, pagkatapos ng Budoy!

FYI, Gemini ang Zodiac sign ko!

Gusto mo ba ng $100 for Christmas?

Who wants $100 dollars for Christmas? Pandagdag lang. Ayaw mo? Ako gusto ko!

May mga bloggers na umaangat ang Page Rank. PR3 na si Gagay at nagpapa-contest siya para sa mga bloggers. Simple lang naman ang kailangan, magsulat ka lang sa blog mo tungkol sa pag-angat ng page rank niya at sa kanyang generosity.

Eto ang prizes na pinamimigay niya:

10 Page Rank Shirts
A total of $360 PayPal cash
 - 1 winner – $100
 - 2 winners – $50 each
 - 4 winners – $25 each
 - 4 winners – $15 each
5 1-year Domain Hosting

At eto ang link ng kanyang Giveaway!

So iniimbitahan ko ang iba pang bloggers na samahan si Gagay sa pagpapasalamat niya dahil umangat ang kanyang Page Rank. Sana ay madamay na rin kami at umangat rin ang Page Rank namin ngayong bagong taon.

Blog pa tayo tungkol dito. Kung gipit sila Prefessional Heckler, Greenpinoy, Mgaepal.com, Tunal Na Lalake at Babaero Moves, pwede rin sila maki-congratulate kay Gagay.

Salamat rin sa mga sponsors ng Giveaway na ito:

AirForce Blogger | Best of Riyadh Saudi Arabia | Brenna Speaks | Cee of Every Thought Counts | Cooking Games | Cooking Games for Girls | cooking games for girls | Cosmo Girl | Credit Card Informations | Culture Medley | Daily Snippets | Diamond Rings | Dinampo Family | Earning Online Moolah | Eat, Drink, Blog | Engineering Vault | Essay Paradise | Eye for Fashion | Fashion and Technology | Feeling Traveler Aketch | Fishy Talks | Food and Style Online | Foodies Galore | FREE Travels and Tours | Gagay.MD | Genny Speaks | GEORYL | Hands Full of Life | Hearts content of a mama | Help Articles | Here,there and everywhere | His and Hers Tech | Impulsive Shopper | IMRIZ.connected | It’s all about me, Mommy Kat | Jefrox News | Joeyboy | Kwento Ni Toto blog | Life According to Me | Live The Green Life Today | Love home grow garden | LOVEs Haven | Make Money Online | Make More Money Online | Maxi Trips and Tips | Me the Woman | Mommy Gagay | Money Talks | musings on meanderings | My Little Angels in America | My Piece of Mind | My Thoughts & Ideas | Nerisa Farm | Oh Gosh Gulay | Our Love Story | Pinay Mommy Online | Pink Cigars | Pink Memoirs | Pinoy.MD | Praise And Worship Song Lyrics and Chords | Proud Mommy of Three | Rainydazeee | Raya in Thailand | Samut-Sari | Shengkayful’s Fashion and Lifestyle | Simple Happy Life | Stylish Voyager | Solitary Wanderer | Solid Hosting | Stay at Home Wife and Mother’s Corner | Tech At Hand SEO Tips | The Coffee Chic | The Hippie Mum | The jolly toes | The Misis Chronicles | The Packrat Wifey | The Philippine Travelogue | These and Those | Tinkerputt’s Turf | Travels and Leisures | Travels Here and There | Travels, Trips & Vacations | Travel Photolog | Travel Yums | Walking News Paper | Web Strategy | Weighty Matters | What’s Inside Joahna’s Heart

Merry Christmas!

Gloc9 for Manila Kingpin

Metro Manila Film Festival na, at isa sa mga kasali sa Festival na ito ay ang kwento ni Asiong Salonga, ang Hari ng Tondo.

Matagal ko na naririnig ang pangalan niya pero hindi ko talaga alam ang story ng buhay niya. Sabi nun iba, masama daw siyang tao dahil wala siyang awa kung pumatay. Sa tingin ko, matalinong tao si Asiong Salonga at isa siyang makabagong Robin Hood.

Tondo, yan ay isang lugar sa Manila na punung puno ng mga TIGASIN, mga Astig kung maituturing. Ang pagkakaalam ko, Tondo ang lumang pangalan ng Maynila. Lumiit na lang ito ng lumiit dahil nilamon na ng pangalan na Maynila ang lugar.

Sakto naman at kanina, habang naghahanap ako ng patutugtugin, nakita ko sa Youtube feed ko ang bagong kanta ni Gloc9 na “Hari ng Tondo”.

Kagaya ni Asiong Salonga, maituturing natin na “Hari ng Rap” si Gloc9. Siya ang may pinakamabilis na bibig sa Pilipinas ngayon. Kung pakikinggan mo ang kanta na Quinta, masusukat mo ang bilis ng bibig niya mula first gear hanggang fifth gear.

Pakinggan ninyo ang kanta ni Gloc9. Nasa kanta niya ang plot ng pelikula na Manila Kingpin. Aabangan ko talaga ang pelikula!

* Follow Gloc9 on Twitter: http://twitter.com/#!/glocdash9