Gloc9 for Manila Kingpin

Metro Manila Film Festival na, at isa sa mga kasali sa Festival na ito ay ang kwento ni Asiong Salonga, ang Hari ng Tondo.

Matagal ko na naririnig ang pangalan niya pero hindi ko talaga alam ang story ng buhay niya. Sabi nun iba, masama daw siyang tao dahil wala siyang awa kung pumatay. Sa tingin ko, matalinong tao si Asiong Salonga at isa siyang makabagong Robin Hood.

Tondo, yan ay isang lugar sa Manila na punung puno ng mga TIGASIN, mga Astig kung maituturing. Ang pagkakaalam ko, Tondo ang lumang pangalan ng Maynila. Lumiit na lang ito ng lumiit dahil nilamon na ng pangalan na Maynila ang lugar.

Sakto naman at kanina, habang naghahanap ako ng patutugtugin, nakita ko sa Youtube feed ko ang bagong kanta ni Gloc9 na “Hari ng Tondo”.

Kagaya ni Asiong Salonga, maituturing natin na “Hari ng Rap” si Gloc9. Siya ang may pinakamabilis na bibig sa Pilipinas ngayon. Kung pakikinggan mo ang kanta na Quinta, masusukat mo ang bilis ng bibig niya mula first gear hanggang fifth gear.

Pakinggan ninyo ang kanta ni Gloc9. Nasa kanta niya ang plot ng pelikula na Manila Kingpin. Aabangan ko talaga ang pelikula!

* Follow Gloc9 on Twitter: http://twitter.com/#!/glocdash9

0 responses to “Gloc9 for Manila Kingpin

  1. Hindi masyado mganda first impression ko sa movie pero nun pinanood ko to, ang dami pala bigatin at kilalang personalities ksama sa movie at mukang pinaghirapan ng production. I like Gloc9 theme song para sa movie. it Great!

    • oo, bigatin ang mga tao. gusto ko yung pagkakagawa na parang indie film siya.

      indie film nga ba talaga? sana bigyan ako ng free passes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *