Daily Archives: 2011-12-15

Simbang Gabi 2011

Panahon na naman ng Simbang Gabi.

Simbang Gabi

Simbang Gabi (photo from http://lakad-pilipinas.blogspot.com)

Ayon sa Tl.Wikipedia.Org:

Ang Simbang Gabi ay isang kinaugaliang pagdaraos ng Santa Misa sa Pilipinas tuwing panahon ng Kapaskuhan. Tinatawag din itong Misa-de-galyo (mula sa Kastilang Misa de Gallo, o “misa ng tandang”, sapagkat sa pagtilaok ng lalaking manok, magsisibangon na ang mga mag-anak para makinig ng misa sa pinakamalapit na simbahang pamparokya.

Minsan ko lang mabuo ang siyam na araw ng Simbang Gabi, dahil siguro sa schedule o sa katamaran ko. The last time na nabuo ko ang 9 day novena na ito ay noong pinagtripan ko na magsimba sa siyam na magkakaibang simbahan sa loob ng siyam na araw. Ayos sa trip di ba?

Mahirap gumising sa umaga. Kapag 4am ang misa, dapat gising ka na ng 3am o di kaya naman e nasa biyahe na. Balak ko na magsimba sa Sacred Heart sa Makati dahil malapit lang yun sa trabaho. Four O’clock mass ang hahabulin ko para sakto sa pasok ko na 6am. Gagamitin ko ang 5am-6am vacant time para kumain ng puto bumbong.

Option rin naman para sa akin na pilitin ang Diwata na mag-Simbang Gabi. Kahit araw-araw ko siya kulitin para makapagsimba kami, gagawin ko para makasama siya. Ok kasi yung makumpleto mo ang siyam na misa pero mas OK pag kasama mo ang mahal mo na nagdarasal at umaasa na makamit ang kanya-kanyang Christmas wish.

FYI: pag nakumpleto mo raw ang simbang gabi, pagpapalain ka ni Baby Jesus at tutuparin ang hinihiling mo. Feeling ko, mananalo na ako sa Lotto kahit hindi ako tumataya!

Eto pala ang schedule ng Simbang Gabi sa Sacred Heart sa Makati:
December 15 – 23 (ANTICIPATED)
8:00 p.m.
December 16 – 24 (DAWN)
4:00 a.m. and 5:30 a.m.
 
Para sa mga sikat na simbahan sa Maynila, eto ang schedule: http://www.rcam.org/simbang_gabi/index.htm
 

Ready na yung mga regalo ko para sa Pasko. Panahon na para i-ready naman ang kaluluwa.