Monthly Archives: January 2012

May Date Ka Na Ba Sa Valentines?

Last day na ng January. Within 2 weeks, Valentine’s Day na. Para sa isang Kampeon Ng Pag-Ibig, ito ang pinaka-importanteng araw sa buong taon.

Anu-ano ba ang ine-expect nating mga Pinoy sa Valentine’s Day. Bukod sa usual traffic sa kalsada, sure ako na mapupuno na naman ang mga restaurant at mga hotel/motel. Magkakaroon ng maraming Valentines Concert sa Music Museum at sa Araneta Coliseum. Darating na naman sa bansa si Brian McKnight.

Ako? Naniniwala ako na ang kasama mo sa araw ng Valentines ay ang pinaka-importanteng tao sa buhay mo. Last year, kasama ko ang mga tropa ko sa Cocos Superclub. Nag-iinuman kami doon at puma-party. May mga masasaya pa nga na nangyari noon e.

Ngayong taon, wala pa talaga akong plano. Hindi ko alam kung paano at saan ko isi-spend ang Valentines Day ko. Hindi pa ako nakakapagpa-reserve ng table sa restaurant o nakakapag-budget para sa araw na yun.

Isa lang ang nasisiguro ko, alam ko kung sino ang gusto kong makasama. Alam niya kung sino siya.

Kahit saan kami magpunta, ayos na. Basta siya ang makasama.

Ikaw ba? May date ka na ba sa Valentines? Ako kasi, hindi pa sure.

Palitan Na Natin Ang Memory Miyerkules

Kung mapapansin ninyo, hindi na ako nagsusulat ng Memory Miyerkules. Hindi ko alam pero tinamad na ako magsulat tungkol sa kabataan ko.

Hindi naman naubos ang mga memories. Medyo personal na lang yung mga naiwan kaya hindi na karapatdapat pa ilathala sa internet. Siguro, pag naglabas ako ng libro, mababasa ninyo yung mga deep dark secrets na sana ay naisulat sa P:MM pero hindi na nailabas.

Pero ngayon, tingin ko, kailangan ko magsimula ng isa pang blog meme. Gagawin ko naman ang every Friday na tungkol sa kung ano ang nagustuhan ko sa isang tao. Malamang kilala na ninyo kung sino yung tao na yun dahil nasa title siya ng blogpost na to.

Tatawagan ko ito na Project: Friday is 4 Farah, or simply P:F4F. Tignan natin kung ano ang kahihinatnan.

Ang unang blogpost para sa project na ito ay lalabas next week. Gusto ko lang mag-commit ngayon para sure na lumabas na ang project next week.

Sure din naman ako na nagbabasa siya ng blog ko. Sana magustuhan niya ang gagawin kong project.

Abangan!

 

Running Tips – Tailing

Tailing. Ito ang gagawin mo pag naiinis ka tumakbo “Against the Wind”.

Sumama ako sa Thursday Run ng A Runner’s Circle kahapon. From the store to MoA’s Eye and back ang route. 10k sakto yun.

Nung pabalik na kami, dumaan kami sa kalsada na malakas ang hangin dahil nakatalikod ka sa dagat. Nakakapuwing ang alikabok at ang hirap tumakbo. Buti na lang at may mga kasama ako na iba pang runners.

Ang ginawa ko, sinundan ko yung isang runner. Medyo malaki siya. Hindi ko na tinanong name dahil busy kami sa pagtakbo. At hindi lang basta sinundan, tinutukan ko siya. Ginawa ko siyang shield para hindi ako masyadong tamaan ng hangin. Sa lapad din niya, hindi rin ako napupuwing. Ayos talaga yung ganun.

Tailing daw ang tawag dun. Hindi ako sure pero yun ang narinig ko. Paki-correct na lang ako pag mali ako.

Sa takbo na yun talaga ako nakapag-decide na hindi muna magma-marathon. Wala talaga akong oras sa pagtakbo. Isa pa, kailangan ko tumaba ng konti. Lastly, hindi kaya ng sweldo ko ang luho ng pagtakbo. Puro training muna ako at hindi muna ako sasali sa mga run. Nakarami na naman ako last year e.

Tsaka wala ang running sa TO DO LIST 2012 ko kaya pwede mag-petiks. Susunod na lang muna ako sa mga malalakas.

Happy Running Everyone!

Cebu Pacific Piso Fare

Isang mabilis na update lang.

Kasunod ng DOT slogan na #1forfun, naglabas ng piso fare ang Cebu Pacific. Sila ang pioneer sa promo flights sa bansa.

Click na sa picture para sa flight details.

1 for fun. cebu pac

1 for fun. cebu pac

Mag-book na kayo bago magunaw ang mundo!