Book Review: Lumayo Ka Nga Sa Akin

Lumayo Ka Nga Sa Akin
by Bob Ong
Lumayo Ka Nga Sa Akin

Lumayo Ka Nga Sa Akin

Ito ang pinakabagong libro ni Bob Ong. Ni-release niya noong pinagbuntis ni Sta. Ana si Maria sa taong 2011.

Trilogy, tatlong kwento sa iisang libro. Ang unang kwento ay may pamagat na “Lumayo Ka Nga Sa Akin”. Pangalawa naman ang “Shake, Shaker, Shakest” na horor ang dating. At ang last part ng story ay drama na pinamagatang “Asawa ni Marie”.

May humor insert ang bawat kwento. Pero parang nagsawa ako sa mga humor inserts at napurga ako dahil wala talagang istorya. As in dull.

Walang kwenta ang story dahil ganun naman talaga ang kwento ng mga pelikula natin, gasgas na.

Ano Ang Gusto Niya Sabihin

Ganun talaga pag nagbabasa ka ng Bob Ong na libro. Hindi mo magi-gets ang gustong iparating sayo ng author pagkababang pagkababa mo ng libro. Hindi mo alam kung bakit mo binasa ang libro kahit tapos mo na basahin ang huling pahina nito.

Ako nga, kailangan ko pang makipag-kwentuhan sa isa kong ka-opisina para malaman ko na dull ang libro at ganun yun na mismo ang lesson. Wala nang story na kailangan mong paikutin pa.

Style Of Writing

Playwright style ang ginamit ng idolo ko sa pagsulat ng libro na ito. Pwede mo nga siya gawing play kung wala ka nang maisip na bago at kinulang ka sa creative juice. Hindi ko sasabihin na wala kang creativity kung gagawin mo ngang play ang libro na ito, ang sinasabi ko lang, hindi mo na dapat pa siyang gawin na pang-teatro.

Kung gaano ka-dull ang pelikulang Pilipino, ganun naman ka-dynamic ang pagsusulat ng libro ni Bob Ong. Hindi lang puro narratives ang kaya niyang gawin. Kaya rin pala niya magsulat na parang isang theatrical play.

Naghahanap nga ako ng iambic pentameters pero wala akong nakuha. Baka yun ang susunod na project ni Bob Ong.

Favorite Line

“Bata, kanya-kanya tayo ng paglalakbay. Wag kang magpakarga, katamaran yan.”

Kung hihiramin mo sa akin ang libro, mag-comment ka sa baba. Ipipila kita sa mga nanghihiram sa akin.

0 responses to “Book Review: Lumayo Ka Nga Sa Akin

  1. first….
    peram.. =)

  2. hahahah! hi! nabasa ko rin ang pang-siyam na librong ito ni Bob Ong nung nagsimula ang buwang ito.. at pareho tayo ng opinion… tingin ko OA ang pagkakapresenta ng librong ito.. alam kong komikero si Bob Ong sa mga libro nya pero nasobrahan dito..pero i couldnt agree more sa mga banat nya sa philippine media…solid at upfront ang mensahe ng librong ito…totoo yung mga cliche… yung plot… hahahah! totoo na gumagawa ng pelikula para sa sandamakmak na kita, hindi para sa saysay daw ng tinatawag na art… kung paanong ang mga manonood na rin ang nagpapababa ng kalidad ng ganitong klase ng industriya… natatawa lang ako kasi nilabas (o nailabas?)yung libro bago mag film fest…hahah… nagbabala ba sya sa Filipino audience??? hehehehe…

    • sakto nga sa film fest yung libro.

      siguro, kaya nanalo ng Best Picture ang Asiong Salonga dahil nabasa ng mga hurado ang ikasiyam na libro ni BobOng.

  3. ui peram

  4. oo sakto sa MMFF yung libro ..

    sapul!

    favorite line ko din yan 🙂

  5. peram po..

  6. ahmm, excuse me lang.
    First title is not Lumayo Ka Nga Sa Akin, it’s Bala sa Bala, Kamao sa Kamao, Satsat sa Satsat.

  7. Mawalang galang na po ! Hindi naman kasi kayo writer kaya hindi niyo maintindihan ang mga paraan ng panulat ni bob ong. isa lang kayo ( Ikaw ) sa mga tinutukoy niyang sakit ng lipunan.

  8. Bianca Ghee

    Pa-borrow? 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *