Comment Exchange

Natutuwa ako kapag mag nagko-comment sa blog ko. Kahit mga simpleng “good job” o kaya ay “nice post” ok na sakin. Basta sure na hindi bot ang nag-comment, ina-approve ko.

Lately ko lang nalaman na mas madali talagang makakuha ng nagko-comment sa blog mo kung nagko-comment ka rin sa iba. Comment Exchange ang tawag dun. Kapag nag-comment ka sa blogpost ng iba, make sure na makakapag-iwan ka ng link sa blog mo para makapag-comment back sila.

Hindi 100% na babalik lahat ng comments mo. Syempre, busy rin ang mga bloggers kaya hindi lahat ng comments ay napagtutuunan nila ng pansin.

Ako, aminado ako, hindi lahat ng mga nakakapag-comment sa blog ko ay nababalikan ko sa blog nila. Pero I make sure na nababasa ko ang lahat ng comments. Kahit pa simpleng “ampanget ng pagkakasulat mo” o kaya “may maling spelling ka”, binabasa ko yan. Kagre-reply naman ako pag may panahon.

Isa sa mga blogpost ko na may pinakamalupit na nag-comment ay ang book review ko tungkol sa pinakahuling Pugad Baboy na libro. Medyo nag-init ata yung reader ko kaya binigyan niya ako ng lecture. Ina-assure ko naman sa inyo na binasa ko ang comment niya. Ayos lang sa akin kahit medyo negative ang comments. Kasama sa buhay blogger yan, ang ma-batikos.

This time, I will make sure na lahat ng magko-comment sa ibaba ay bibisitahin ko ang mga blog nila. Kapag wala kang blog, gamitin mo ang Facebook page mo para ma-like ko ang page mo o ma-add kita as friend.

29 responses to “Comment Exchange

  1. True! Ang ayaw ko lang sa nagcocomment yung masyadong bitch magsalita. HAHA. Pero those “nices” and “cools” ayos na ayos.

  2. Comment Exchanges are nice but wouldn’t you like to have comments from those who are not doing it because they are obligated to? He he he!

    Wala lang. Comment lang.

    • oo nga e. mas ok yung mga nagko-comment na hindi mo pa pinipilit. genuine yung mga sinasabi ng mga yun.

      need mo talaga ng mga posts na “moving”

  3. Ok talaga if you get the idea na binasa talaga nila post mo eh. Pero sarap nga ng feeling kasi parang nalalaman ko kung tama nga yung ginagawa mo o hindi.

  4. Ya.. sana naman ung mga nacocoment ung mga maganda naman ang comment nila for the sake naman ng kagroup….

    • kapag nagpromote ng conversation ang comment, maganda yun.

      di ako maka-comment sa blog mo. di ko alam pano.

  5. masarap talaga ang idea na nakakatanggap ka ng comments.. pero mas masarap kung nabasa nila ng maayos ang post mo at di nila ni-skip-read 🙂

    • pag wala akong alam sa topic, nagsi-skip read talaga ako. pero that does not mean wala akong karapatan mag-comment.

      lalo na kapag may nakapag-entice sa akin na kahit isang linya lang sa blogpost, napapa-comment talaga ako.

  6. nakakatuwa naman 🙂 dati I visit back lagi … minsan nauubusan ako ng time

  7. i can say na sport din naman ako pagdating sa mga harsh comments, i can take them, pero pag bastos eh nag iisip ako, gusto mo rin ba ng bastos na sagot? or gagong sagot lang din? mahirap naman sabihin na hindi ka maa-apektuhan kase hello? bato ka ba? lols.

    kaya nga madalas lurker ako kase sabi ng nanay ko kung wala kang masabing maganda, manahimik ka na lang.

    pero minsan ha, mentras na nananahimik ka, lalo kang iniinis.. 🙂

    • magaling mag-advise ang nanay mo.

      ako, mahilig ako mang-inis ng mga taong wala sa lugar ang mga comments. tapos eventually, naiinis na rin ako.

      ang pinakamasarap na comment pag wala kang masabing maganda e ang smiley face 🙂

  8. Medyo hindi ko rin na-gets yung Comment Exchange activity.. kaya one time, gumawa ako ng thread sa isang bloggers group.. “Do you visit back those who weren’t on the ComEx list?”

    Sa opinyon ko lang, comment exchange activities are nice. You gain traffic, have people read your blog at nagkokomento sila. Ang downside lang talaga dun, nalilimitahan yung mga bumabasa at binabasa mo dahil nga, yung mga nagjoin lang sa activity na yun ang binabalikan mo. it’s like an obligation, sabi nga ni ROMELO sa itaas. 🙂

    Upon getting the answer to my question dun sa group (which is NO), I decided to just stick to my regular bloghopping. 😀 Ayos lang din naman mag bloghop-bloghop.. Kita mo, hindi ako nagjoin sa activity, pero napadpad ako dito. Hehe.. 🙂

    Opinyon lang naman.. Gandang gabi! 🙂

  9. Okay nga itong comment exchange. kasi nakakatulong sa mga bloggers, lalo na yung mga naguumpisa palang. sa sobrang daming gumagawa ng blogs, maganda at nakaka-inspire na may nagbabasa ng mga gawa mo. 😀

  10. Yeah, I love seeing comments. It makes blogging worthwhile.

  11. Kapag sumali ka sa “comment exchange” siempre magkokoment ka rin. Para sa akin ang koment na may dating, walang bastosan. ‘Yung komento na nagbigay ang isang inspirasyon sa buhay o kaya sa pagsusulat.

  12. Hihintayin kita sa Site ko ha? ^_^

  13. love to have comments… but much preferred to have a constant reader. Yahweh bless.

  14. i join memes that i like and i visit (and leave comments) on some of the participants’ links. doesn’t guarantee that they visit me back, but it makes bloghopping fun that way. 🙂
    thanks for visiting my site and i hope that you win the $500 Paypal cash! 🙂

  15. Refreshing magbasa ng blog in Tagalog, bihira kc ako makakita ng blog na Tagalog ang medium.
    Malaking tulong ang ComEx sa mga new bloggers na kagaya ko, nakikilala ka ng iba at makakakuha ng follower.

  16. Maganda basahin pag merong mga comment exchange. Nalalaman mo kasi kung anong iniisip ng tao sa mga pinopost mo eh. Yun lang nga me mga comments na galing sa mga nahihigh blood. hehehe! Ganun talaga eh.. kahit sa tototong buhay naman me mga ganung tao talaga. Parang movie lang yan.. me bida.. me kontrabida.. Ang gulo ba?! hehehe. Basta un na un.Tuloy mo lng ginagawa mo promking. Enjoy naman basahin mga posts mo eh. 🙂 <<–ayan me smiley ako ha.

  17. Yeah i agree. It helps to promote each blog and visibility on search engine

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *