TO DO LIST 2012

Alam ko, super late na to. Dapat ang New Year’s Resolution, dini-declare bago magpalit ang taon. Pero dahil tamad ako at wala talag akong maisip kundi yung mga kapalpakan ko sa 2011, hindi ako nakagawa ng TO DO LIST 2012 ko.

Pwede pa naman makahabol di ba? Sabi nga nila, it is better late than pregnant.

Well, eto na ang pinakaiintay ng mga tagasunod ng blog ko, ano ba ang gagawin ng Kampeon this 2012? Ano ba ang priorities niya?

  • Zero out Credit Card.

Yan lang ang aking TO DO LIST. Wala nang iba.

Gaya ng inaasahan natin sa taon na 2012, at sabi na rin ng Mayan civilization, make or break ang 2012. Sabi nila, magugunaw daw ang mundo sa December 21, 2012. Walang nakakaalam kung totoo ito na mangyayari, isa lang ang sure ako, it is either mapapahiya ang Mayan civilization o talagang magugunaw nga ang mundo.

Yun din ang gusto ko mangyari sa 2012 ko.

Gusto ko, make or break din ako. It will be all or nothing para sa akin. Pag hindi ko nagawa, edi palpak. Pag nagawa ko naman, edi 100% Happiness.

Isa pa, this weekend pa naman magpapalit ang Chinese Calendar. Hindi pa ako late sa aking New Year’s Resolution.

0 responses to “TO DO LIST 2012

  1. same tayo zero out my 2 credit cards hahahaha.. sana o kahit kalahati lang mabawasan ko hihihih

    • nagkamali pa nga ata ako. may tumawag sakin na nago-offer ng credit card. tinanggap ko. ahaha

  2. this IS challenging! kaso kapag may occasion, mapipilitan kang gamitin ang cc mo

  3. Nako! Medyo mahirap atang gawin yan. Kailangan ay resolution ko rin yan! Hahahaha Challenging talaga. Pero kung gumunaw naman ang mundo e di di bale na lang kung may utang ka pa sa banko. Hindi ka na naman nila mahahabol. hehe

    • ayoko magkita kami ng mga bangko sa pila sa langit at sigawan nila ako ng “MAY UTANG KA PA SAMEN!”

  4. parehas tayo … Make or break ang 2012.

    Goodluck sa atin ng bigtym 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *