Palitan Na Natin Ang Memory Miyerkules

Kung mapapansin ninyo, hindi na ako nagsusulat ng Memory Miyerkules. Hindi ko alam pero tinamad na ako magsulat tungkol sa kabataan ko.

Hindi naman naubos ang mga memories. Medyo personal na lang yung mga naiwan kaya hindi na karapatdapat pa ilathala sa internet. Siguro, pag naglabas ako ng libro, mababasa ninyo yung mga deep dark secrets na sana ay naisulat sa P:MM pero hindi na nailabas.

Pero ngayon, tingin ko, kailangan ko magsimula ng isa pang blog meme. Gagawin ko naman ang every Friday na tungkol sa kung ano ang nagustuhan ko sa isang tao. Malamang kilala na ninyo kung sino yung tao na yun dahil nasa title siya ng blogpost na to.

Tatawagan ko ito na Project: Friday is 4 Farah, or simply P:F4F. Tignan natin kung ano ang kahihinatnan.

Ang unang blogpost para sa project na ito ay lalabas next week. Gusto ko lang mag-commit ngayon para sure na lumabas na ang project next week.

Sure din naman ako na nagbabasa siya ng blog ko. Sana magustuhan niya ang gagawin kong project.

Abangan!

 

0 responses to “Palitan Na Natin Ang Memory Miyerkules

  1. O, ito pala un pepi! haha. astig ah. have a nice new year!

  2. anong nangyare dito??
    actually interested ako sa name ng girl na gimait mo ^^<
    eheheheh

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *