Running Tips – Tailing

Tailing. Ito ang gagawin mo pag naiinis ka tumakbo “Against the Wind”.

Sumama ako sa Thursday Run ng A Runner’s Circle kahapon. From the store to MoA’s Eye and back ang route. 10k sakto yun.

Nung pabalik na kami, dumaan kami sa kalsada na malakas ang hangin dahil nakatalikod ka sa dagat. Nakakapuwing ang alikabok at ang hirap tumakbo. Buti na lang at may mga kasama ako na iba pang runners.

Ang ginawa ko, sinundan ko yung isang runner. Medyo malaki siya. Hindi ko na tinanong name dahil busy kami sa pagtakbo. At hindi lang basta sinundan, tinutukan ko siya. Ginawa ko siyang shield para hindi ako masyadong tamaan ng hangin. Sa lapad din niya, hindi rin ako napupuwing. Ayos talaga yung ganun.

Tailing daw ang tawag dun. Hindi ako sure pero yun ang narinig ko. Paki-correct na lang ako pag mali ako.

Sa takbo na yun talaga ako nakapag-decide na hindi muna magma-marathon. Wala talaga akong oras sa pagtakbo. Isa pa, kailangan ko tumaba ng konti. Lastly, hindi kaya ng sweldo ko ang luho ng pagtakbo. Puro training muna ako at hindi muna ako sasali sa mga run. Nakarami na naman ako last year e.

Tsaka wala ang running sa TO DO LIST 2012 ko kaya pwede mag-petiks. Susunod na lang muna ako sa mga malalakas.

Happy Running Everyone!

0 responses to “Running Tips – Tailing

  1. Natawa naman ako sa post mo. Buti ndi napansin nung sinusundan mo yung ginagagawa mo haha. Maiirita ako sa ganon e.

    • oo nga. parang nakakabastos nga yun. pero isa sa mga techniques yun.

      ginagamit din yan sa F1 racing e. para makatipid ng gas.

  2. ahaha, natawa naman ako sa trailing mo, well lucky you na meron malapad na nauuna sa yo, maybe the one at your back is doing the same thing as you do hehe

    • sabi nga nila. pag naka-recover ka na daw, pwede naman mag-switch. para hindi dehado yung leader.

  3. ngayon ko lang nalaman tailing pala ang tawag dun. akala ko stalker! joke! 😀

    seriously, i miss running. pwede ka pa naman tumakbo kahit hindi ka sumali sa mga fun runs. kami sa loob ng subdivision tumatakbo, minsan dun sa park sa kabilang village.

    • di rin ako sure na tailing tawag dun. pero yun ang sabi nun kasama ko na tumatakbo.

      ganun na rin mun ako, jogging jogging lang din muna. kaso sayang ang freebies sa mga funrun!

  4. haha..okay yun ha! buti talaga di napansin nung malaking mama ang yong ginawang tailing. Kasi kung ako yun hihinto ako at ikaw naman ang ititrail ko . hahahaha

    • actually, alam naman niya. e nasa group naman kami kaya ayos lang sa kanya yun.

      isa pa, pwede siya biglang magbilis ng takbo para iwanan ako.

  5. hahaha.. katuwa ka naman! dito sobra hihilig mag hike, mountain climb, run, walk mga tao… sa lamig, intrinsic motivation lang talaga pede para gawin un! 🙂

  6. Goodluck na lang sa’yo kaibigan. Nasa iyong mga paa ang iyong kapalaran. Naway pagpalain ka ng maykapal.

  7. Sumali ka naman sa pagtakbo, tapos para ‘ata wala kang gana o nasa modo. Masama kung pinipilit mo ang sarali mo. Dapat kung saan ka kampanti, dun ka. Tailing ‘yun tinatawag eh, kasi sinusundan mo ang nasa harapan mo. Sa ginawa mo tama lang ‘yun. Dapat maging wise kang bata ka!

  8. buti talaga di ka napansin…kung ako bibilisan ko or babagalan ko ang pagtakbo para ma confirm kung talagang ginagawa mo kong pangsangga…

    but why are you giving up running? expensive? pwede naman sa park or kalye-kalye lng…sayang naman kc igive up if u enjoy doing it…but still the final say is up to u…

  9. Ang kulit lang. Kung makakasama kita tumakbo, baka maengganyo ako. Kaso simulan natin sa lakad. Baka maubusan ako ng hangin e. Hahaha.

  10. hahaha, natawa ako sa post mo…”tailing?” hehehehe

  11. tailing pala yon .I will do the same kapag maalikabok ,pero ask muna ng permission para hindi kao iwana at matakpan talaga ako.

  12. Ni minsan di ko pa na try to join a marathon. Although gustong-gusto ko parang nakakailang namana kung wala kang kakilala dun sa mga runners.

  13. hmmn hindi ba pede magsuot ng sunglass while running, next week I will plan to run kahit magisa lang ako goodluck to me

  14. Naku if ever din pla tau sabay mag run..bka gwin m din ako panangga!

  15. magandang tip yan 🙂

  16. hi promking! runner din ako kaya nakakarelate ako sa post mo na ‘to. Im sure ok lng un sa taong sinusundan mo kung kilala mo and you’re running as one group. Pero pag sakin nangyari un tapos di ko pa kilala irita talaga un! parang stalker na ewan..gets mo? hehehe! Nangyari na kse sakin ung ganun pag binilisan ko bibilisan nya din. pag binagalan ko ganun din. Panira ng focus eh.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *