Monthly Archives: January 2012

TO DO LIST 2012

Alam ko, super late na to. Dapat ang New Year’s Resolution, dini-declare bago magpalit ang taon. Pero dahil tamad ako at wala talag akong maisip kundi yung mga kapalpakan ko sa 2011, hindi ako nakagawa ng TO DO LIST 2012 ko.

Pwede pa naman makahabol di ba? Sabi nga nila, it is better late than pregnant.

Well, eto na ang pinakaiintay ng mga tagasunod ng blog ko, ano ba ang gagawin ng Kampeon this 2012? Ano ba ang priorities niya?

  • Zero out Credit Card.

Yan lang ang aking TO DO LIST. Wala nang iba.

Gaya ng inaasahan natin sa taon na 2012, at sabi na rin ng Mayan civilization, make or break ang 2012. Sabi nila, magugunaw daw ang mundo sa December 21, 2012. Walang nakakaalam kung totoo ito na mangyayari, isa lang ang sure ako, it is either mapapahiya ang Mayan civilization o talagang magugunaw nga ang mundo.

Yun din ang gusto ko mangyari sa 2012 ko.

Gusto ko, make or break din ako. It will be all or nothing para sa akin. Pag hindi ko nagawa, edi palpak. Pag nagawa ko naman, edi 100% Happiness.

Isa pa, this weekend pa naman magpapalit ang Chinese Calendar. Hindi pa ako late sa aking New Year’s Resolution.

Comment Exchange

Natutuwa ako kapag mag nagko-comment sa blog ko. Kahit mga simpleng “good job” o kaya ay “nice post” ok na sakin. Basta sure na hindi bot ang nag-comment, ina-approve ko.

Lately ko lang nalaman na mas madali talagang makakuha ng nagko-comment sa blog mo kung nagko-comment ka rin sa iba. Comment Exchange ang tawag dun. Kapag nag-comment ka sa blogpost ng iba, make sure na makakapag-iwan ka ng link sa blog mo para makapag-comment back sila.

Hindi 100% na babalik lahat ng comments mo. Syempre, busy rin ang mga bloggers kaya hindi lahat ng comments ay napagtutuunan nila ng pansin.

Ako, aminado ako, hindi lahat ng mga nakakapag-comment sa blog ko ay nababalikan ko sa blog nila. Pero I make sure na nababasa ko ang lahat ng comments. Kahit pa simpleng “ampanget ng pagkakasulat mo” o kaya “may maling spelling ka”, binabasa ko yan. Kagre-reply naman ako pag may panahon.

Isa sa mga blogpost ko na may pinakamalupit na nag-comment ay ang book review ko tungkol sa pinakahuling Pugad Baboy na libro. Medyo nag-init ata yung reader ko kaya binigyan niya ako ng lecture. Ina-assure ko naman sa inyo na binasa ko ang comment niya. Ayos lang sa akin kahit medyo negative ang comments. Kasama sa buhay blogger yan, ang ma-batikos.

This time, I will make sure na lahat ng magko-comment sa ibaba ay bibisitahin ko ang mga blog nila. Kapag wala kang blog, gamitin mo ang Facebook page mo para ma-like ko ang page mo o ma-add kita as friend.

It's More Fun In The Philippines

Bago ako maglunch, nabalitaan ko na may presscon ang Department of Tourism dahil ilalabas nila ang bagong slogan para maka-engganyo ng mas marami pang turista.

Hindi ko akalain na makikita ko na ang slogan pagkatapos ko kumain ng lunch. 10am po ang lunch ko kaya yung iba, hindi pa nanananghalian.

Ok, excited na ba kayo? Hindi ako makakuha ng magandang picture ng Slogan kaya nagnakaw na lang ako sa mga friends ko sa internet. Eto ang picture na kuha ni Erika Tapalla. Follow her on Twitter.

photo taken by Erika Tapalla

photo taken by Erika Tapalla

“It’s more fun in the Philippines” will be the international campaign.
“1 for fun” will be the internal, national campaign.

Magandang slogan ito. Wala pa akong masabi dahil hindi pa ako nakakakita ng pinagkopyahan. In a few days siguro, maglalabasan ang critics pero sa ngayon, magsasaya na muna ang lahat.

Ang saya nga ng Twitter feed ko dahil astig ang mga sinasabi ng iba’t ibang personality sa Twitter.

Nilabas rin nga pala nila ang link sa bago nilang website. Bisitahin mo na bago pa magdown dahil sa overwhelming traffic. Click Here.

Mas masaya talaga sa Pinas. Sure ako na magiging atat na sa paguwi ang ating mga kababayan na OFW.

Book Review: Lumayo Ka Nga Sa Akin

Lumayo Ka Nga Sa Akin
by Bob Ong
Lumayo Ka Nga Sa Akin

Lumayo Ka Nga Sa Akin

Ito ang pinakabagong libro ni Bob Ong. Ni-release niya noong pinagbuntis ni Sta. Ana si Maria sa taong 2011.

Trilogy, tatlong kwento sa iisang libro. Ang unang kwento ay may pamagat na “Lumayo Ka Nga Sa Akin”. Pangalawa naman ang “Shake, Shaker, Shakest” na horor ang dating. At ang last part ng story ay drama na pinamagatang “Asawa ni Marie”.

May humor insert ang bawat kwento. Pero parang nagsawa ako sa mga humor inserts at napurga ako dahil wala talagang istorya. As in dull.

Walang kwenta ang story dahil ganun naman talaga ang kwento ng mga pelikula natin, gasgas na.

Ano Ang Gusto Niya Sabihin

Ganun talaga pag nagbabasa ka ng Bob Ong na libro. Hindi mo magi-gets ang gustong iparating sayo ng author pagkababang pagkababa mo ng libro. Hindi mo alam kung bakit mo binasa ang libro kahit tapos mo na basahin ang huling pahina nito.

Ako nga, kailangan ko pang makipag-kwentuhan sa isa kong ka-opisina para malaman ko na dull ang libro at ganun yun na mismo ang lesson. Wala nang story na kailangan mong paikutin pa.

Style Of Writing

Playwright style ang ginamit ng idolo ko sa pagsulat ng libro na ito. Pwede mo nga siya gawing play kung wala ka nang maisip na bago at kinulang ka sa creative juice. Hindi ko sasabihin na wala kang creativity kung gagawin mo ngang play ang libro na ito, ang sinasabi ko lang, hindi mo na dapat pa siyang gawin na pang-teatro.

Kung gaano ka-dull ang pelikulang Pilipino, ganun naman ka-dynamic ang pagsusulat ng libro ni Bob Ong. Hindi lang puro narratives ang kaya niyang gawin. Kaya rin pala niya magsulat na parang isang theatrical play.

Naghahanap nga ako ng iambic pentameters pero wala akong nakuha. Baka yun ang susunod na project ni Bob Ong.

Favorite Line

“Bata, kanya-kanya tayo ng paglalakbay. Wag kang magpakarga, katamaran yan.”

Kung hihiramin mo sa akin ang libro, mag-comment ka sa baba. Ipipila kita sa mga nanghihiram sa akin.