Monthly Archives: February 2012

Birthday Ni KnP01 Sa Pico de Loro Cove

Malamang, hindi ninyo alam na hindi lang ako ang Kampeon Ng Pagibig. Sa totoo lang, tinatawag lang akong KnP05 dahil ikalima lang ako sa mga Kampeon.

Ang aming KnP01 ay nagbi-birthday kasabay ng anniversary ng EDSA Revolution. This year, dinala niya kaming muli sa Pico de Loro sa Hamilo Coast, Batangas. Member kasi siya doon.

Eto ang pictures namin:

Knp01 Bday 2012

more pictures sa aking FB page

Enjoy talaga ang birthday pag tropa mo ang kasama mo. Sabi nga niya sa latest FB update niya, “Tired and Happy” daw siya.

Kami rin, Happy rin kami dahil Happy ka sa Birthday mo. May you have more Pico de Loro trips to come!

Kapag gusto niyo pumunta ng Pico de Loro, sabihan niyo lang ako. Pinapa-rentahan ni KnP01 ang unit nila doon at pwede kayo mag-overnight.

Coach Jay Valencia On Natural Running

Ang swerte ko naman at naka-attend ako ng isang maikling talk tungkol sa Natural Running. Nagsalita tungkol sa topic ang malupit na Newton Running Coach na si Coach Jay Valencia.

Hindi naman bago ang konsepto. Actually, binigyan lang ng tamang definition kung paano tumatakbo ang mga bata. Naaalala ko pa noon kung gaano ako kabilis tumakbo pag naglalaro kami ng Ice-Ice-Water, Moro-moro at mataya-taya.

Coach Jay

Coach Jay

Basically, good posture ang puhunan sa Natural Running. Hindi naman sa dapat conscious ka sa ginagawa, dapat lang pinababayaan mo ang natural movement ng muscles na magrelax at contract.

Eto ang basic points na napulot ko mula sa talk ni Coach Jay Valencia:

  • Everything is aligned
  • Athletic Knee Bend
  • Lock Loose Muscles
  • Lean Forward = Move Forward. Lean Back = Move Back.

I need to put the theories to the test. Lalo pa ngayon at meron na akong Newton Sun Visor. Add me on FB para makita mo ang Sun Visor ko.

 

Pero ngayon, beach muna dahil birthday ng KampeonNgPagibig#1.

* Maraming salamat Coach Jay Valencia.

Mobile Bar Ba Ang Hanap Mo

Hindi kumpleto ang mga kasalan pag walang alak. Ayoko maging blasphemous pero nang maubusan ng alak ang kasalan sa bibliya, ginawan ng paraan ni Hesus. Simbolo kasi ng kasiyahan ang alak kapag iniinom ng isang grupo.

Buti na lang at na-meet ko si Dina. Friend siya ng favorite High School classmate ko si Tin. Wala din kasi akong date nun Valentines dahil busy ang Diwata sa school.

Hindi ko alam kung launching yun ng bago niyang business na Mobile Bar pero first time ko narinig ang business. Syempre naman natuwa ako dahil may kakilala na ako na ganitong negosyo. Malay mo, kapag medyo ok ang budget ko this year, magpainom ako sa bahay at sila ang kunin ko.

Shot Up

Currently, meron silang dalawang package. Isang debut package at isang Wedding package. Mas mura ang debut pero sa tingin ko pareho lang din naman yun.

SHOT UP MOBILE BAR PACKAGES!
Contact No. 0927-258-3700
Email: shotupnow@yahoo.com
http://facebook.com/shotupmobilebar
 
PACKAGES AND RATES:
http://shotupmobilebar.weebly.com/
 

At eto pa ang chismis, pwede daw mag FlairTending yung mga bar tenders. Sana makita ko sila in action.

At sure ako, lasing at enjoy ang party mo pag meron kang Mobile Bar sa debut / Kasal mo.

* Oo nga pala, sa kasal ko, baka sila rin ang kunin ko.

Happy Valentines Sa Ating Lahat!

Medyo Special ang araw ng mga Puso, lalo na para sa isang kampeon. Ito kasi ang araw na lahat ng tao ay sinusubukan na mapantayan, kung hindi man mahigitan, ang inyong lingkod na isang Kampeon Ng Pagibig.

Normal na araw na lang sa akin ang Valentines Day. Cliche na kung sasabihin ko na araw-araw ang Valentines.

Para sa mga may pera, kabi-kabila ang mga Valentines Day concerts na pwedeng puntahan. Nasa taas ng listahan ang mag-asawang Alcasid dahil sila ang naka-book sa SMART-Araneta Coliseum.

Ingat lang nga tayo sa putukan. Sure ako na traffic sa may amin sa Sta.Mesa kaya medyo magpapa-gabi ako ng uwi. Tiba-tiba na naman ang mga nasa Dangwa. Reserved din ang mga restaurants. Marami din tao sa mga pasyalan.

Ako, simple lang ako. Matapos ang trabaho, makikipagkita sa kaibigan at pupunta sa isang bar para mag-inom. Hindi lang kasi para sa magkasintahan ang Valentines. Panahon din ito ng pagkakaibigan. Bukas, Valentines Day with the Family naman.

Greet ko na lang kayo ng Happy Valentines. Lalong lalo na sa Diwata.

Teka, para medyo SPECIAL naman ang araw na to, lagyan na natin ng itsura ang sinasabi nating Diwata.

Happy Valentines

Happy Valentines sa inyong lahat!

*Sana nga lang um-Oo ka sa alok ko na date. Andami ko pa namang plano para sa araw na to. Di bale, gagawin ko na lang na Valentines Day ang bawat araw na magkasama tayo.