Dominos Pizza sa Makati Ave

Mas malapit na ito sa mga nagwo-work sa Makati. Isa sa mga pinagkakatiwalaang pizza ang Dominos Pizza. Sure na delicious.

Unang beses ko na encounter ang Dominos Pizza sa Enchanted Kingdom. Para sa akin, ibang level ang adventure na makukuha mo sa Dominos Pizza. Nagbibigay ito sa akin ng tapang bago sumakay sa Space Shuttle.

Buti na lang at nagkaroong ng bagong brang ang Dominos Pizza sa A.Venue, Makati Ave. You won’t miss it dahil nasa harapan ito ng building.

Opening ng pizza parlor kahapon, January 31. Nagkaron ng blessing na pinangunahan ni Fr. Lito Villegas. Nandun ang mga branch owners, managers, crew at syempre kaming mga bisita. Labas pasok ang mga umo-order na Pinoy, Koreans at iba’t ibang nationality na makikita mo sa Makati Area.

Dominos Pizza Makati Ave.

for more pictures, click the image

Syempre pa, usisa tayo ng mga pizza. Meron silang ExtravaganZZa na pinakamasarap. Coke products nga pala ang ino-offer nila na inumin. Saktong sakto para sa pizza nila.

Maliit lang yung restaurant dahil mas marami talaga ang nagpapa-deliver. You may call the numbers 795 3030 for quality pizza delivered at your doorstep or hotel.

Para sa Menu nila, bisitahin at i-like ninyo ang kanilang FB fan page.

0 responses to “Dominos Pizza sa Makati Ave

  1. We’re pizza lovers, and we’d love to try Domino’s Pizza one of these days.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *