Somedaydream Has Shoes From Keds

Grabe, bago matapos ang taon, sinusubukan ko palitan ang wardrobe ko. Isa sa mga kasama sa listahan ay ang sapatos. A friend of mine told me to get Keds shoes. Maganda kasi at pasok siya sa look na gusto ko.

Last week, nagkaroon ng Bloggers Meet Up Party with Somedaydream. Simpleng kwentuhan, kainan at kantahan ang nangyari. Everyone has their own Cornetto disc habang kumakanta ng Hey Daydreamer si Rez Toleda aka Somedaydream.

Yung porma ni Somedaydream talaga ang gusto kong ma-kopya. Medyo geekish na hip. Kaya ko naman dalhin dahil payat ako. Kulang lang siguro ako sa height pero ok lang, madadala naman yun pag skinny ang jeans.

At syempre pa, sponsored by Keds ang event. Nasilip ko ang sapatos ni Rez pero hindi ko na-picturan. Clean White ang kulay. Sana nga naapakan ko para mabinyagan, kaso baka mainis sakin ang Atenistang singer.

Buti na lang nag-post siya sa Twitter niya. Bago pala ang kanyang shoes. Kakabigay lang ng Keds. Gusto ko rin magkaroon ng sarili kong Keds.

Keds worn by Somedaydream

Keds worn by Somedaydream

Sure ako maganda ang look na ito para sa Valentines. Isa pa, hindi na malupit ngayon ang mga hiphop look. Medyo emo-looking na ang “in”.

Balita ko rin may bago siyang Single entitled  “Sing This Song”. Mapapakinggan ang kanta sa RX93.1. Eto nga naka-tune in ako at inaabangan ko ang kanta.

Follow mo siya sa Twitter nya.

0 responses to “Somedaydream Has Shoes From Keds

  1. ama gonna barf

  2. Hi! Just visiting from “Life is Kulayful”. Congrats for winning the giveaway. 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *