Happy Valentines Sa Ating Lahat!

Medyo Special ang araw ng mga Puso, lalo na para sa isang kampeon. Ito kasi ang araw na lahat ng tao ay sinusubukan na mapantayan, kung hindi man mahigitan, ang inyong lingkod na isang Kampeon Ng Pagibig.

Normal na araw na lang sa akin ang Valentines Day. Cliche na kung sasabihin ko na araw-araw ang Valentines.

Para sa mga may pera, kabi-kabila ang mga Valentines Day concerts na pwedeng puntahan. Nasa taas ng listahan ang mag-asawang Alcasid dahil sila ang naka-book sa SMART-Araneta Coliseum.

Ingat lang nga tayo sa putukan. Sure ako na traffic sa may amin sa Sta.Mesa kaya medyo magpapa-gabi ako ng uwi. Tiba-tiba na naman ang mga nasa Dangwa. Reserved din ang mga restaurants. Marami din tao sa mga pasyalan.

Ako, simple lang ako. Matapos ang trabaho, makikipagkita sa kaibigan at pupunta sa isang bar para mag-inom. Hindi lang kasi para sa magkasintahan ang Valentines. Panahon din ito ng pagkakaibigan. Bukas, Valentines Day with the Family naman.

Greet ko na lang kayo ng Happy Valentines. Lalong lalo na sa Diwata.

Teka, para medyo SPECIAL naman ang araw na to, lagyan na natin ng itsura ang sinasabi nating Diwata.

Happy Valentines

Happy Valentines sa inyong lahat!

*Sana nga lang um-Oo ka sa alok ko na date. Andami ko pa namang plano para sa araw na to. Di bale, gagawin ko na lang na Valentines Day ang bawat araw na magkasama tayo.

0 responses to “Happy Valentines Sa Ating Lahat!

  1. super extremely belated happy balentayms sayo sir..

    ayiiiee 😀

  2. Astig! Hahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *