Monthly Archives: February 2012

Blogger Apprentice: Pano Ba Maging Blogger?

Sa totoo lang, hindi ko alam i-explain ang pagiging Blogger. Kahit ako, kino-consider ko ang sarili ko na newbie sa pagba-blog kahit PR2 na ang blog ko.

For a Tagalog blog, malupit na ang maging PR2. Ka-level ko ang maraming malulupit na bloggers at sure ako na pag nataasan ko sila, maiinggit sila sa akin.

Ang problema lang, hindi ako full time sa pagba-blog. Maswerte na kung makapaglabas ako ng isang article sa isang araw. Hindi naman kasi ganun kataba ang utak ko para mai-konekta ang lahat ng bagay sa pagiging isa kampeon ng pagibig.Blogger Apprentice

Pero kung gusto mo talaga, gustung-gusto mo talaga ang isang bagay, hahanap at hahanap ka ng paraan para makuha ito. Yan ang definition ko ng pagiging isang kampeon.

Mabuti na lang at may mga pwedeng magturo sa atin. Pwede natin sila tawaging Sempai, Master, Upperclassmen at kung anu-ano pa. At tayo naman, pwede tayo matawag na APPRENTICE. Wala tayong ibang gagawin kundi sumunod.

An apprentice can be roughly defined as someone who learns from a qualified person/group in order to practice a trade or profession, usually within a recognized period of time.

Kung ako ngayon ang tatanungin mo kung paano maging isang malupit na blogger, sasabihin ko lang sayo na wag kang magsasawa sa pagsusulat. Pero kung gusto mong maging mas malupit pa, e di sumali ka na sa APPRENTICE SEARCH 2012 sa BloggerManila.com.

 

RIP Whitney Houston

This just IN.

Hindi ko pa alam kung ano ang reason. Hindi ko alam kung paano siya na-deads. Ang buong Music Industry, nagluluksa sa pagkamatay niya.

Whitney Houston

Whitney Houston (photo from rollingstone.com)

Eto na lang ang links na nagsasabi na deads na nga siya.

http://www.huffingtonpost.com/2012/02/11/whitney-houston-dead-sing_n_1270889.html
http://www.tmz.com/2012/02/11/whitney-houston-dead/#.TzcUYVwoRLc
http://www.interaksyon.com/article/24296/singer-whitney-houston-dies-reports

Nakakalungkot naman talaga na iniwan na tayo ng singer na nagbigay sa atin ng “Greatest Love of All”.

 

Somedaydream Has Shoes From Keds

Grabe, bago matapos ang taon, sinusubukan ko palitan ang wardrobe ko. Isa sa mga kasama sa listahan ay ang sapatos. A friend of mine told me to get Keds shoes. Maganda kasi at pasok siya sa look na gusto ko.

Last week, nagkaroon ng Bloggers Meet Up Party with Somedaydream. Simpleng kwentuhan, kainan at kantahan ang nangyari. Everyone has their own Cornetto disc habang kumakanta ng Hey Daydreamer si Rez Toleda aka Somedaydream.

Yung porma ni Somedaydream talaga ang gusto kong ma-kopya. Medyo geekish na hip. Kaya ko naman dalhin dahil payat ako. Kulang lang siguro ako sa height pero ok lang, madadala naman yun pag skinny ang jeans.

At syempre pa, sponsored by Keds ang event. Nasilip ko ang sapatos ni Rez pero hindi ko na-picturan. Clean White ang kulay. Sana nga naapakan ko para mabinyagan, kaso baka mainis sakin ang Atenistang singer.

Buti na lang nag-post siya sa Twitter niya. Bago pala ang kanyang shoes. Kakabigay lang ng Keds. Gusto ko rin magkaroon ng sarili kong Keds.

Keds worn by Somedaydream

Keds worn by Somedaydream

Sure ako maganda ang look na ito para sa Valentines. Isa pa, hindi na malupit ngayon ang mga hiphop look. Medyo emo-looking na ang “in”.

Balita ko rin may bago siyang Single entitled  “Sing This Song”. Mapapakinggan ang kanta sa RX93.1. Eto nga naka-tune in ako at inaabangan ko ang kanta.

Follow mo siya sa Twitter nya.

Filipino Youtubers Pray For Visayas

Kahapon, niyanig ng 6.9 magnitude na lindol ang Visayas Region.

Sa mga walang alam, Visayas ang ikalawa/gitna sa mga grupo ng kapuluan sa Pilipinas. Kung binaha na ng Ondoy ang Luzon at binagyo na rin ang Mindanao, hindi na ako nagtataka at Visayas naman ang tinarget ni Mother Nature.

Pero nakakagulat lang talaga, no one is prepared for a disaster.

Wala tayong magagawa kundi magdasal; hilingin na maging ok lang ang lahat sa Visayas Region at umasang wala nang mas malupit na trahedya na dumating.

YouTube

Para sa mga kababayan ko sa Negros Region, eto nga pala ang Filipino YouTube Celebrities na gumawa ng isang collaboration para sa inyo. JamichTV, DavidDiMuzio, MoymoyPalaboy, MikeyBustos.