Monthly Archives: March 2012

UP Pep Squad launches MDNA (Madonna Album 2012)

Nasabi ko na to 2 blogposts ago. Ni-release ang MDNA nung isang araw. Ang masaya, UP Pep Squad ang nagperform nun launch ng album.

Eto sila noon Cheerdance competition last year, paying homage to Madonna:

 

 

Eto sila nung launch ng latest album ni Madonna 2 days ago:

 

Mahusay + Mahusay = Mahusay x 10..
Parang ako lang at ikaw.

** Salamat kay starmash70 at maxterspade12ph sa pagupload ng video sa YouTube.

DLSU ex-Tanker Enchong Dee covers for Mens Health Mag April 2012

Tama nga! Ang Swimmer na si Enchong ang cover ng Mens Health Magazine this Summer-April 2012. Laman ng magazine ang kwento ng kanyang pagiging artista kasabay ng pananatili ng kanyang healthy routines.

Enchong on Mens Health Mag April 2012

Enchong on Mens Health Mag April 2012

Sabi niya, hindi mo raw siya maiaalis sa tubig. Muntik ko na nga siya asarin na I-S-D-A kung wala lang dun ang mga fans niya na malalakas tumili.

Makikita rin sa magazine yung Porsche niya na kulay pula. Buti pa siya may Porsche, take that Mr. President!

Gusto ko sa magazine yung mga excercise gamit ang dumbels. Maganda kase na may sinusundan kang routines na naka-focus sa group of muscles mo kesa mag excercise ka mag-isa. Mukha kang ewan nun.

Btw, tinanong ko si Enchong kung ano ang PR niya sa 10k. Hindi raw niya maalala, pero ang alam niya, ang 20k niya ay 1 hour 13 minutes. Mabilis daw ba yun?

Sinabihan ko siya na si Piolo, 47 minutes sa 10k.

Sabi niya sakin, “Talo ko si Kuya PJ, alam niya yun. Kahit tanong mo pa siya.”

Nasa build din naman talaga ni Enchong ang pagiging athlete. Hindi nakapagtataka na kaya niya tumapos ng 20k sa 1:19.

si Enchong at ang Kampeon

Kuha na kayo ng copy ninyo. I suggest sa National Bookstore kayo bumili para mukha kayong matalino. Pag sa bangketa kasi, magmumukha lang kayong chismoso. Ahahaha.

****

Nasa puso ni Enchong ang swimming, hindi mo to maiaalis sa kanya.
Kaya wag mo na ko isipin, isapuso mo na lang.

Today is Madonna Day

ASTROPLUS MADONNA’s ALBUM LAUNCH

MARCH 26

Alam ko matanda na siya pero super galing pa rin niya mag-perform. Big HIT yung Superbowl appearance niya this year.

Ire-release ng MCA and pinakabagong album ni Madonna na MDNA ngayon. Excited na ako marinig ang mga bagong kanta ng Material Girl. Sure ako, in the next few months, gagawan na ito ng cover ng mga pinoy artists. Kakantahin na ulit ang mga songs ni Madonna sa ASAP at Party Pilipinas, pati na rin siguro sa Will Time Big Time.

The 12-track album ito. Ang nangungunang single ay ang “Give Me All Your Luvin” featuring Nicki Minaj and M.I.A.

Pwede mo na ma-download yun sa iTunes.

MDNA

Sa bagong album na to, hindi na raw taga-kanta lang si Madonna. Hands On siya sa pag-produce ng tracks.

Ang hirap siguro ma-maintain ang kagandahan kahit matanda ka na. Pero si Madonna, kaya niya gawin yun dahil imortal siya.

 

DealSpot Security Check

First time ko nag purchase ng deal sa dealspot. Hindi ko kagad nakuha ang voucher dahil may security check daw na dapat gagawin para sa mga first time credit card users.

Kailangan daw yun para sure na ikaw ang may-ari ng credit card. Proof lang naman na iyo ang credit card.

dealspot security

dealspot securitydealspot security

Well, hindi ko na idi-discus dito kung anong klaseng security check ang ginawa sakin. Basta, hindi ako pinasayaw sa harap ng maraming mga unggoy o pinakain ng isanlibong pako.

Nai-submit ko yung security check ng Sunday, syempre hindi ko inexpect na ma-validate yung account ko dahil nga weekend. So kinabukasan, naka-antabay ako sa email ko. Gusto kasi ng Diwata na i-avail na yung deal sa hapon. FYI, diamond peel yun. Iku-kwento ko na lang sa ibang blogpost yung experience pag sinipag.

So ayun nga, dumating na yung validation email by lunch. Kasunod nun e yung voucher. Diretso print na. Na-honor namin yung voucher within the day ng walang hassle.

Good ang experience ko sa DealSpot. Happy ako sa group buying site na to.