Ugali ko kasing tumakbo na may cellphone. Importante kasi sa akin na kapag na-bore ako, magti-text ako o tatawag kung kani-kanino. Kaya pag tumatakbo ako, nakagawian ko na dalhin sa pagtakbo ang aking Samsung Champ.
Kung normal na cellphone ang dala ko, mas madali sana magtext. Level 3 kiti-ki-text ako kaya keri ko magtext without looking at my cellphone. Ang kaso, hindi normal na cellphone ang dala ko. Touchscreen ang Samsung Champ. Kailangan ko mag-focus sa pagti-text kaya napapalakad ako.

No Cellphones Allowed
Minsan, ginagawa kong misyon na makalagpas ng limang blocks bago ako magreply kapag tumunog ang cellphone ko habang tumatakbo. Kaso, hindi advisable yun dahil nagre-relax ang muscles ko pag naglalakad ako at mahirap maibalik ang aking rhythm.
Kaya ang tip ko ngayon, wag ka na magdadala ng cellphone kapag tumatakbo ka. Magsuot ka ng relo kung ang dahilan mo e may bini-beat ka na oras. Kung emergency cases naman ang reason mo, make sure na tumatakbo kayo in a group at meron kayong sweeper.
It worked for me, medyo nakarating ako ng mas mabilis sa A Runner’s Circle store kahapon kaya nakabili pa ako ng dried pusit. Napagbigyan ko na rin sa wakas ang cravings ko dahil nga hindi ko dinala ang cellphone ko.
Sa susunod na pagtakbo, iiwan ko na ang cellphone ko para matapos ko ang 10k route within 1 hour.
I would want to avoid any distractions and my cellphone is one of them. – Pepi on running.