DLSU ex-Tanker Enchong Dee covers for Mens Health Mag April 2012

Tama nga! Ang Swimmer na si Enchong ang cover ng Mens Health Magazine this Summer-April 2012. Laman ng magazine ang kwento ng kanyang pagiging artista kasabay ng pananatili ng kanyang healthy routines.

Enchong on Mens Health Mag April 2012

Enchong on Mens Health Mag April 2012

Sabi niya, hindi mo raw siya maiaalis sa tubig. Muntik ko na nga siya asarin na I-S-D-A kung wala lang dun ang mga fans niya na malalakas tumili.

Makikita rin sa magazine yung Porsche niya na kulay pula. Buti pa siya may Porsche, take that Mr. President!

Gusto ko sa magazine yung mga excercise gamit ang dumbels. Maganda kase na may sinusundan kang routines na naka-focus sa group of muscles mo kesa mag excercise ka mag-isa. Mukha kang ewan nun.

Btw, tinanong ko si Enchong kung ano ang PR niya sa 10k. Hindi raw niya maalala, pero ang alam niya, ang 20k niya ay 1 hour 13 minutes. Mabilis daw ba yun?

Sinabihan ko siya na si Piolo, 47 minutes sa 10k.

Sabi niya sakin, “Talo ko si Kuya PJ, alam niya yun. Kahit tanong mo pa siya.”

Nasa build din naman talaga ni Enchong ang pagiging athlete. Hindi nakapagtataka na kaya niya tumapos ng 20k sa 1:19.

si Enchong at ang Kampeon

Kuha na kayo ng copy ninyo. I suggest sa National Bookstore kayo bumili para mukha kayong matalino. Pag sa bangketa kasi, magmumukha lang kayong chismoso. Ahahaha.

****

Nasa puso ni Enchong ang swimming, hindi mo to maiaalis sa kanya.
Kaya wag mo na ko isipin, isapuso mo na lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *