Yan ang sabi ng Operations Manager ng Thorlos. Well, logical nga naman. Ang sapatos ay isang foreign object. The most natural way is naka-tapak ka.
Kaso, nga lang, sa mga activities at sa panahon natin ngayon, kailangan na talaga natin ang sapatos. And it follows, kailangan na talaga natin ng medyas.
Kung araw-araw natin pinoprotektahan ang ating mga kamay sa pamamagitan ng manicure, kung parati tayo nagpapa-facial para mapaganda ang ating mukha, mas lalo tayo dapat magpa-footspa at pedicure dahil araw-araw natin ginagamit ang ating mga paa. Kung saan-saan tayo nahahatid ng feet natin. Nakakapaglakad tayo papunta sa work, sa mall at nakakapag-basketball pa tayo.
Dito ngayon papasok ang Thorlos. Malamang ang kilala lang natin na brand ng medyas ay Darlington, Burlington at kung anu-ano pang “normal” na socks. Ngayon ko ipapakilala sa inyo ang Thorlos.
Wala silang endorsers. Hindi sila nagpapa-commercial. Ayaw kasi nila magwaldas ng pera sa mga ganyan. Nilalagay na lang nila ang resources para sa research and development ng mga medyas na siguradong makakatulong sa atin mga paa. Sabi ng mga maraming running bloggers, kahit first time nila masuot ang sapatos, basta naka-Thorlos socks sila, hindi sila nagkaka-blisters.
Well, super tiwala naman ako sa medyas na marami nang experience tungkol sa mga paa. Daan-daan ang kanilang mga specialized socks. Meron para sa mga bumbero, sa runner na katulad ko, sa mga golfers, at kung anu-ano pang mga activities.
Pag nasubukan ko na sa kalsada ang medyas na to, iku-kwento ko sa inyo. For now, dapat lang malaman ninyo na makakabili kayo ng medyas na to sa Riovanna. Take note, hindi binebenta sa Riovanna ang mga accessories na hindi ginagamit ni Coach Rio.