Daily Archives: 2012-04-13

5 Noobie Tips When Riding A Bus From Manila To Cagayan

Sumakay ako ng Florida bus mula España, Manila papuntang San Jose Palengke, Cagayan. Sixteen (16) hours ang travel time. Sabi nga nila, longgest Weekend of 2012 ang Holy Week pero para sa akin, ito ang longgest 16 hours na gumagalaw ang bus na sinasakyan ko. BTW, Santa Ana, Cagayan is 447 kms North of Manila.

Papunta kasi kami sa Palaui Island para sa isang Ultimate Beach Bumming Experience na hatid ng Travel Factor HQ. For more information about the trip, pwede kayo mag-message sa akin para mai-guide ko kayo sa mga ADVENTURES na ino-offer namin sa Travel Factor.

Bus na may CR

Bus na may CR (click for more pics)

Unang beses ko mag-travel ng ganito kalayo by land. Kaya sa mga first timers dyan, eto ang mga maibibigay kong TIPS:

1) Control your WIWI.

Simpol lang yan pakinggan, pero hindi ganun kadali gawin. Syempre, magdadala ka ng tubig para hindi ka uhawin pero hindi mo dapat parati inumin dahil within 20 minutes lang, mararamdaman mo na kagad na maiihi ka. So, dapat sip lang ng onti para mabasa ang labi mo. OK na yun.

EXTRA TIP: Wag din uminom ng gatas at i-kontrol din ang fibers. Hindi advisable na magpupu sa CR ng Bus (kung meron man CR ang masasakyan mo).

2) Importante ang KUMOT.

Aircon ang bus na sasakyan mo, importante ang kumot dahil matutulog ka. Hindi parating bukas ang TV ng sasakyan. After 3-4 movies, papatyin nila yan at papalitan ng mga kanta na Ilokano ang language. Aantukin ka talaga.

Pustahan tayo, hindi mo kayang hindi matulog. Kahit nga yung driver, may ka-relyebo dahil matutulog din siya, ikaw pa kaya na pasahero lang at may magandang upuan na pwede ma-recline.

EXTRA TIP: Mas importante ang kumot sa unan. Kaya hindi mo kailangan yang unan mo. As a substitute, magdala ng jacket na hindi kapote.

3) Bumaba sa BUS STOPS.

Hindi naman kailangan na may bilhin ka sa bawat bus stop, pero kailangan mo bumaba para mag stretching. Kailangan magcirculate ng maayos ang dugo mo. Kailangan din mabanat yung muscles mo. Para ito sa ikabubuti ng iyong katawan.

Also, kapag huminto na para mag-dinner, laging tandaan na may iba pang eatery na malapit lang. Wag matakot na mag-explore. Kadalasan, mas masarap ang katabing karinderya. Make sure lang na mabilis ka kumain para hindi ka maiwanan.

EXTRA TIP: At syempre, laging may bayad ang CR. Maghanda ng limang piso.

4) Makipag-usap sa KATABI.

Importante yan. Para hindi ka ma-bore, dapat makipag-usap ka. Malay mo, maka-tsamba ka at makakuha ng number nya. Sa kaso namin, katabi ko yung kasama ko na travel coordinator kaya may napag-usapan naman kami kahit papano.

Para na rin medyo close na kayo. Sige ka, pag na-badtrip ang katabi mo sayo, baka isa pa siya sa magkakanulo sa iyo at magsabi sa bus driver na kumpleto na ang pasahero kahit wala ka pa sa pwesto mo. Yan ang unang tao na magbabantay sa mga gamit mo na iiwanan sa bus pag may busstop.

EXTRA TIP: Pag lilipat ng upuan, sabihan ang kundoktor.

5) I-enjoy ang BYAHE.

Lagi mo tatandaan na maraming amenities ang Bus. Pwede ka mag-request ng favorite movie o favorite song. Gandahan mo lang ang pakiusap.

May mga umaakyat din na nagtitinda ng kung anu-ano, parehas sila magtinda at matatawaran mo pa. Wag magdalawang isip na bumili.

EXTRA TIP: At syempre, patayin mo ang celphone mo pag matutulog ka na. Tipirin ang battery lalo na pag naka-blackberry social. Hindi mo kailangan mag-tweet sa kada kabig ng manibela. I-enjoy ang tanawin sa labas, walang ganyan sa Manila.

Ang mga TIPS na ito ay learned for experience. May iba pa akong tips pero ito ang top 5.

Kahit gaano kalayo, lalakbayin ko para sayo.

* Ang TIPS page na ito ay hatid sa inyo ng TravelFactor.Org. Kung gusto mo maka-experience ng 16 hour bus ride, bat hindi ka sumama sa susunod na UBBE Palaui. Heto ang link para sa Website ng TravelFactor:

Travel Factor

Summer Season is Gary V Concert Season

‘Gary V: On Higher Ground’ at Music Museum

Walong concert na sigurado akong mag-iiba ang init ng summer ninyo, yan ang hatid ng ating Pure Energy Concert veteran na si Gary V.

On Higher Ground

click to visit Gary V 's website

Isa itong benefit concert para sa UNICEF. National Ambassador for UNICEF kasi si Pure Energy sa loob ng 14 years. May kasabay rin siya na album na pinopromote na may kaparehong charity na tinutulungan.

Ang pinakahuling balita kay Gary V ay ang kakaiba niyang collab kasama si Sarah G at SomeDayDream para sa theme song ng CocaCola Concert ng Bayan na “Tuloy”. Promise, sobrang ganda nung kanta na pinaghalo ang Dance, Pop at Techno.

Tuloy ang Happiness!

Magkakaroon din ng movie si Gary V. Bali-balita lang yun. Kung gusto ninyo ng details, punta kayo sa concert. Sure ako na idi-discus nya yun dun!

May mga reviews na nga tungkol sa concert nya na malupit daw ang lightings. Gusto ko talaga makapanuod. Kung sasamahan ninyo ako, why not.

“Gary V: On Higher Ground” happens at Music Museum on April 12, 13, 19, 20, 26, and 27; and May 9 and 10. The show will be for the benefit of UNICEF and Shining Light Foundation. The show is supported by ABS-CBN, MYX, Smart, Soundcheck, Videosonic, Gold’s Gym, Aficionado, Coca Cola, Goldilocks, Lee, Universal Records, Star Records, Studio V, Essensuals Toni & Guy, Fernando’s, with media partners: Radio High 105.9, Crossover 105.1, Monster Radio RX 93.1, Tambayan, Magic 89.9, DZMM 630, Philippine Daily Inquirer, Philippine Star, Business World, People’s Journal and People’s Tonight.

“Gary V: On Higher Ground” will be directed by Gary and son Paolo Valenciano with Musical Direction by Mon Faustino. Tickets are priced at Php 3,500.00, 2,500.00, 1,500.00, 1,000.00, and 500.00. For tickets contact Ticketworld (891-9999), Music Museum (721-6726; 721-0635), and Manila Genesis (706-2170 to 71; 0915-4975225; 0908-8871397).