5 Noobie Tips When Riding A Bus From Manila To Cagayan

Sumakay ako ng Florida bus mula España, Manila papuntang San Jose Palengke, Cagayan. Sixteen (16) hours ang travel time. Sabi nga nila, longgest Weekend of 2012 ang Holy Week pero para sa akin, ito ang longgest 16 hours na gumagalaw ang bus na sinasakyan ko. BTW, Santa Ana, Cagayan is 447 kms North of Manila.

Papunta kasi kami sa Palaui Island para sa isang Ultimate Beach Bumming Experience na hatid ng Travel Factor HQ. For more information about the trip, pwede kayo mag-message sa akin para mai-guide ko kayo sa mga ADVENTURES na ino-offer namin sa Travel Factor.

Bus na may CR

Bus na may CR (click for more pics)

Unang beses ko mag-travel ng ganito kalayo by land. Kaya sa mga first timers dyan, eto ang mga maibibigay kong TIPS:

1) Control your WIWI.

Simpol lang yan pakinggan, pero hindi ganun kadali gawin. Syempre, magdadala ka ng tubig para hindi ka uhawin pero hindi mo dapat parati inumin dahil within 20 minutes lang, mararamdaman mo na kagad na maiihi ka. So, dapat sip lang ng onti para mabasa ang labi mo. OK na yun.

EXTRA TIP: Wag din uminom ng gatas at i-kontrol din ang fibers. Hindi advisable na magpupu sa CR ng Bus (kung meron man CR ang masasakyan mo).

2) Importante ang KUMOT.

Aircon ang bus na sasakyan mo, importante ang kumot dahil matutulog ka. Hindi parating bukas ang TV ng sasakyan. After 3-4 movies, papatyin nila yan at papalitan ng mga kanta na Ilokano ang language. Aantukin ka talaga.

Pustahan tayo, hindi mo kayang hindi matulog. Kahit nga yung driver, may ka-relyebo dahil matutulog din siya, ikaw pa kaya na pasahero lang at may magandang upuan na pwede ma-recline.

EXTRA TIP: Mas importante ang kumot sa unan. Kaya hindi mo kailangan yang unan mo. As a substitute, magdala ng jacket na hindi kapote.

3) Bumaba sa BUS STOPS.

Hindi naman kailangan na may bilhin ka sa bawat bus stop, pero kailangan mo bumaba para mag stretching. Kailangan magcirculate ng maayos ang dugo mo. Kailangan din mabanat yung muscles mo. Para ito sa ikabubuti ng iyong katawan.

Also, kapag huminto na para mag-dinner, laging tandaan na may iba pang eatery na malapit lang. Wag matakot na mag-explore. Kadalasan, mas masarap ang katabing karinderya. Make sure lang na mabilis ka kumain para hindi ka maiwanan.

EXTRA TIP: At syempre, laging may bayad ang CR. Maghanda ng limang piso.

4) Makipag-usap sa KATABI.

Importante yan. Para hindi ka ma-bore, dapat makipag-usap ka. Malay mo, maka-tsamba ka at makakuha ng number nya. Sa kaso namin, katabi ko yung kasama ko na travel coordinator kaya may napag-usapan naman kami kahit papano.

Para na rin medyo close na kayo. Sige ka, pag na-badtrip ang katabi mo sayo, baka isa pa siya sa magkakanulo sa iyo at magsabi sa bus driver na kumpleto na ang pasahero kahit wala ka pa sa pwesto mo. Yan ang unang tao na magbabantay sa mga gamit mo na iiwanan sa bus pag may busstop.

EXTRA TIP: Pag lilipat ng upuan, sabihan ang kundoktor.

5) I-enjoy ang BYAHE.

Lagi mo tatandaan na maraming amenities ang Bus. Pwede ka mag-request ng favorite movie o favorite song. Gandahan mo lang ang pakiusap.

May mga umaakyat din na nagtitinda ng kung anu-ano, parehas sila magtinda at matatawaran mo pa. Wag magdalawang isip na bumili.

EXTRA TIP: At syempre, patayin mo ang celphone mo pag matutulog ka na. Tipirin ang battery lalo na pag naka-blackberry social. Hindi mo kailangan mag-tweet sa kada kabig ng manibela. I-enjoy ang tanawin sa labas, walang ganyan sa Manila.

Ang mga TIPS na ito ay learned for experience. May iba pa akong tips pero ito ang top 5.

Kahit gaano kalayo, lalakbayin ko para sayo.

* Ang TIPS page na ito ay hatid sa inyo ng TravelFactor.Org. Kung gusto mo maka-experience ng 16 hour bus ride, bat hindi ka sumama sa susunod na UBBE Palaui. Heto ang link para sa Website ng TravelFactor:

Travel Factor

0 responses to “5 Noobie Tips When Riding A Bus From Manila To Cagayan

  1. nice tips!! naaliw ako basahin 😀

  2. Gigi Beleno

    Additional tip: if you are going down the bus during stops make sure you memorize the plate# of your bus. I encountered one time, a passenger riding the wrong bus on her way back. It so happened, several fleet from same company andun sa lugar, she didn’t even bother to read the bus sign nor recognize the plate# I think he!he!

    Pero grabe 16hours trip, haven’t experienced it yet.

    • oo. lalo pag solo traveller ka.

      tsaka may body number yang mga bus. yung amin, F21 ang body number. di ko na tinandaan yung plate number kasi mas madali yung body number. ganun din sa eroplano.

  3. I always follow these tips, except maybe for #2 kasi lagi naman akong nagdadala ng jacket. As for #4, the closest na makikipagusap ako sa katabi ko is kung kilala ko na.. malimit ako makipagusap sa diko kakilala, unless kailangan ko magtanong ng oras. =)

  4. I’ve been to longest of bus drives..
    pero ang 16 hours, winner!!!
    Tinalo pa yung Caramoan ko nah 12 to 13 hours!

  5. Hahaha. I like the first tip! I always have problems with that! Thats why I hate riding buses! When we went to Tana Toraja, 8 hours from where we stayed in Indonesia, I seriously had to ask the driver for a Bio-Break and then we used the out of this world toilets! Haha.

    My friend actually was willing to pee in the grassfield but she just asked one of the houses to use the toilet. 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *