Eto bago ng Max’s. Sakto ito dahil naghahanap ako ng reason para maka-double date ang ate ng Diwata. Minsan kasi, mas maganda kung may ka-double date kayo ng jowa mo. Bukod sa may kahati sa bills, mas marami pang pwedeng pag-kwentuhan.
At dahil nga may bagopng promo ang Max’s Fried Chicken na tatakbo mula April 15 hanggang June 10, mas pinadali nila ang pag-decide kung saan kakain ang DOUBLE DATE!
Eto ang mga kailangang tandaan pag o-order ka ng Max’s #4Sharing Meal:
Number 1: MAGKANO BA YAN?
Presyo, syempre. Hindi naman pwedeng ikaw lang ang magbabayad kapag double date. Dapat sakto sa gitna ang bayad. Sa presyo ng 4Sharing Meal na P799, bawat couple ay magshe-shell out ng 400 pesos.
Wag na ninyo pag-awayan ang sukli na piso, ibigay niyo na lang yan sa waiter na magsisilbi sa inyo. Tip na lang yan.
Number 2: LUGAR, ASAN BA KAYO?
Syempre, may ka-double date ka. Dapat, magmeet kayo halfway. Baka mapasubo ka pa na ikaw ang magbayad ng meal kapag nakanchawan ka na hindi ka naman gumastos sa pamasahe kung mas malapit sa bahay ninyo ang Max’s.
Kung hindi kayo makapag-decide, suggest ko lang na sa Max’s Restaurant sa Scout Tuason, Quezon City kayo magpunta. Yun ang unang-una na Max’s restaurant. Hindi kayo magsisisi sa ganda ng lugar.
Number 3: ANG PAGKAIN!
4 Sharing Meal. Sakto sa apat yan. Apat ang Kanin, Apat ang Iced Tea, May 1 Whole Chicken na sakto sa apat at may apat na pagpipilian ng sinigang. Eto rankings ng sinigang para sa akin:
Sinigang na Bangus Belly Sinigang na Hipon Sinigang na Baboy Sinigang na Tuna PangaSakto yan sa apat. Busog na kayo niyan, promise. Order na lang kayo ng dessert on the side dahil walang dessert ang meal, pero ako, ok na sakin na walang dessert dahil masarap ang Iced Tea nila.
Number 4: MANANALO KA NG iPHONE 4S
I bet eto ang primary reason kung bakit maraming kakain sa Max’s. Mananalo hindi lang ikaw, kundi kayong apat ng tig-iisang iPhone 4S. Obvious naman siguro kung bakit iPhone 4S ang premyo di ba? Di ko na kailangan mag-explain.
Simple lang ang mechanics. Kunin ang resibo at maglogin sa www.maxschicken.com at i-fill up ang entry form. IMPORTANTE ANG ORDER NUMBER ninyo na makikita sa resibo. One order number will be picked every week for the 8 weeks of the campaign giving out 32 iPhone 4S’ total.
Di ba malupet yun?
So pano, can I ask you for a date?