4 Things To Remember When Eating Max’s New Promo: 4 Sharing Meals

Eto bago ng Max’s. Sakto ito dahil naghahanap ako ng reason para maka-double date ang ate ng Diwata. Minsan kasi, mas maganda kung may ka-double date kayo ng jowa mo. Bukod sa may kahati sa bills, mas marami pang pwedeng pag-kwentuhan.

At dahil nga may bagopng promo ang Max’s Fried Chicken na tatakbo mula April 15 hanggang June 10, mas pinadali nila ang pag-decide kung saan kakain ang DOUBLE DATE!

Max's 4Sharing Meals

Eto ang mga kailangang tandaan pag o-order ka ng Max’s #4Sharing Meal:

Number 1: MAGKANO BA YAN?

Presyo, syempre. Hindi naman pwedeng ikaw lang ang magbabayad kapag double date. Dapat sakto sa gitna ang bayad. Sa presyo ng 4Sharing Meal na P799, bawat couple ay magshe-shell out ng 400 pesos.

Wag na ninyo pag-awayan ang sukli na piso, ibigay niyo na lang yan sa waiter na magsisilbi sa inyo. Tip na lang yan.

Number 2: LUGAR, ASAN BA KAYO?

Syempre, may ka-double date ka. Dapat, magmeet kayo halfway. Baka mapasubo ka pa na ikaw ang magbayad ng meal kapag nakanchawan ka na hindi ka naman gumastos sa pamasahe kung mas malapit sa bahay ninyo ang Max’s.

Kung hindi kayo makapag-decide, suggest ko lang na sa Max’s Restaurant sa Scout Tuason, Quezon City kayo magpunta. Yun ang unang-una na Max’s restaurant. Hindi kayo magsisisi sa ganda ng lugar.

Number 3: ANG PAGKAIN!

4 Sharing Meal. Sakto sa apat yan. Apat ang Kanin, Apat ang Iced Tea, May 1 Whole Chicken na sakto sa apat at may apat na pagpipilian ng sinigang. Eto rankings ng sinigang para sa akin:

Sinigang na Bangus Belly
Sinigang na Hipon
Sinigang na Baboy
Sinigang na Tuna Panga

Sakto yan sa apat. Busog na kayo niyan, promise. Order na lang kayo ng dessert on the side dahil walang dessert ang meal, pero ako, ok na sakin na walang dessert dahil masarap ang Iced Tea nila.

Number 4: MANANALO KA NG iPHONE 4S

I bet eto ang primary reason kung bakit maraming kakain sa Max’s. Mananalo hindi lang ikaw, kundi kayong apat ng tig-iisang iPhone 4S. Obvious naman siguro kung bakit iPhone 4S ang premyo di ba? Di ko na kailangan mag-explain.

Simple lang ang mechanics. Kunin ang resibo at maglogin sa www.maxschicken.com at i-fill up ang entry form. IMPORTANTE ANG ORDER NUMBER ninyo na makikita sa resibo. One order number will be picked every week for the 8 weeks of the campaign giving out 32 iPhone 4S’ total.

Di ba malupet yun?

So pano, can I ask you for a date?

0 responses to “4 Things To Remember When Eating Max’s New Promo: 4 Sharing Meals

  1. Hmm…pwede palang magba-birtday dito sa Max’s. Talk about bang for bucks!

    • oo. complete meal ang max’s at sure na masustansya ang pagkain. di kagaya ng mga breaded chicken na puro pampalasa lang.

  2. I just read Sumi’s post on this same topic! =) And Scout Tuazon is near our place. It’s been the only Max restaurant that my family and I love to frequent. Plus, I love their chicken that’s fried to perfection — sabayan pa ng favorite kong sinigang! =D the 4sharing meal is definitely an awesome promo!

    • Crush ko si Sumi! yiheee.

      Obvious naman na love mo ang sinigang dahil sa website name mo. ahahaha.

      Minsan, mag dinner tayo dun.

  3. great promo of Max’s! I think mapapakain ako sa Max’s anytime soon dahil dito haha! 🙂

  4. Gigi Beleno

    malupet talaga! ok cge date mo ‘ko pero kasama syempre anak ko atska pwd delete #1 ‘kaw na lang magbayad kc jobless ako.

    he!he! your post was really nice, cge join ako sa promo, un #4 pinakamalupet.

    • awts. di pwede na sagot ko. ahahaha.

      ayoko naman maging unfair dahil pag nanalo tayo ng iPhone 4s, lahat tayo apat meron. ahahaha

  5. “So pano, can I ask you for a date?”… Sorry, may asawa na ako. Magagalit ang mga anak ko. LOL

    • edi sila na lang i-treat mo sa Max’s. pero sakin mo bigay yung isang iPhone pag nanalo ka. ahahaha

  6. i think that’s best to try this weekend!

  7. this weekend it is. i must check this out maybe at sm makati 😀

  8. Huwaw! Sa aking mga naging karanasan sa Max’s, ako naman ay nasiyahan. Matagal-tagal na ring panahon ang lumipas nang huli kaming nagsalu-salo sa kainang ito…at dahil sa magandang promo nila na iyong ibinahagi sa amin, ito na ang magandang pagkakataon upang muling kumain sa Max’s! 😀

  9. nagorder kame last week nto pero nakalimutan ko maglog in sa website nila. hanapin ko nga uli

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *