May 6, 2012 sa Bonifacio Global City. Ang starting point ay sa tapat ng bagong Sports Equipment store na katabi ng Riovanna. May 3k, 5k at 10k run na P550 ang registration at meron din 15k run na P600. Makakasabay ninyo ako na tumakbo sa 15k.
Registration site? Chris Sports. Punta kayo sa Facebook page nila para sa numbers at location.
Simple lang naman ang takbo na to. Bukod sa kailangan mong magbayad ng registration fee, kailangan mo rin pumirma sa kasunduan na magiging matapat ka sa lahat ng gawain mo; personal man o business.
Sabi kasi ni Henry Schumacher, EVP ng European Chamber of Commerce, walang pagsisimulan ang pagbabago kundi sa sarili mo. Ang event ay tinatawag na I Run For Integrity. Kung mapapansin ninyo, andyan ang word na “I”. Ibig sabihin, sarili. Ikaw. Ako. Bawat isa sa atin. Pwede naman kasi gawin na Run For Integrity pero minabuti nila na idagdag ang salitang “I”.
Sabi naman din ni Edward Gacusana, isa sa mga Project Coordinator ng Integrity Initiative at miyembro ng Makati Business Club, kailangan din magsimula sa taas ang pledge. Kung ang bawat kumpanya ay pipirma sa Integrity Initiative na ito, unti-unti nating maiiwasan ang bribery at corruption. Samahan na natin ang gobyerno sa daang matuwid, oras na para ang nasa Private Sector na may malalaking kumpanya ay magsimula rin ng pagbabago.
Pero actually, sabi ni Jomari Mercado, Senior Director for Business and Developmeng ng Convergys Philippines, ginagawa na nila ang ganito. Isa sa mga core values ng Convergys ang Integrity. Pag wala ka nito, hindi ka nila tatanggapin na supplier o empleyado. Bawat isa sa mga tauhan at kausap nila sa negosyo ay pinapipirma nila ng ganitong pledge taun-taon para masiguro na ang bawat transaction ay malinis at walang bahid ng corruption.
Hindi ko alam kung ang kumpanya na kinabibilangan ko ay nakapirma sa Integrity Initiative na ito. Sana lang. Dahil ako, nakapirma na ako kasabay ng aking 15k run registration.
Unang hakbang sa katinuan at katapatan ang pagpirma sa Integrity Initiative, parang unang hakbang na rin sa bawat takbo na gagawin mo para marating ang Finish Line.
Bat hindi ka pa pumipirma?
Pero promise, pumirma man o hindi, may kasulatan man o wala, ang pagibig ko sayo ay tapat at totoo.
Ni walang halong biro.