Daily Archives: 2012-04-27

May Chismis Ako Tungkol Sa AmCham Run For A Scholar

Oo, tama ang basa mo, singular na Scholar yan. Hindi Scholars.

Hindi naman ibig sabihin nito na tatakbo tayo para suportahan ang edukasyon ng iisa lang. Ang swerte naman ng Totoy o Nene na ito at tuma-target ng 3000 runners ang American Chamber Foundation para sumuporta sa kanyang pag-aaral.

Run For A Scholar

Gusto lang i-stress ng AmCham Foundation na hindi quantity education ang binibigay nilang scholarship program. Piling-pili ang mga estudyante at sa matataas na uri ng paaralan sila pinapadala.

Oo, private schools. Hindi ko minamaliit ang public schools pero ganun ang realidad sa Pilipinas. Tanggapin na muna natin yun!

Simple lang to, tatakbo tayo sa May 27, 2012. Ito ang Sunday bago ang aking birthday. Kapag medyo ok ang aking finances, diretso party pa tayo. Sagot ko, basta promise ninyo sa akin na tatakbo kayo para sa Scholar.

Hindi ko na palalampasin pa, nakita naman ninyo ang poster sa taas di ba? Tignan na lang ninyo ang mga makukuha ninyo pag tumakbo kayo.

AmCHam Run for a Scholar freebies

Naniniwala rin ako na para maka-focus ang estudyante sa pag-aaral, dapat hindi na niya ito sinasabay sa trabaho. Noong College ako, nag part time job din ako pero yun ay dahil alam ko na mas matututo ako kapag ina-apply ko sa actual experience ang natututunan ko sa classroom.

Pero sa High School at Elementary, dapat focus lang sa aral.
Mahirap Kaya mag-exam na iniisip mo pa rin kung may kakainin pa kayo bukas.

Chismis lang ha, balita ko tatakbo din para sa Scholar sila Ronnie Rickets, Diether Ocampo at Eda Nolan. Magpapa-picture at magpe-pace ako ke Junniper (Eda Nolan) pag ganun.

Sagot ko na Tuition Fee mo, basta pag-aralan mo lang na mahalin ako.