1 Million Pesos Giveaway

PERA-PERA na lang ang labanan dito. Makakabili ka na ng kotse na may apat na gulong sa pera na mapapanalunan mo.

Simple lang naman ang kailangan mo gawin, gumawa ka lang ng kanta at i-submit ang entry mo a Philippine Popular Music Festival  website bago mag May 10, 2012. Six days na lang yun. Sure ako na may  mga composition ka na dati pa. Halungkatin mo na lang yun at ipadala.

PhilPop

Click Ka sa Image para makasubmit ng ENTRY

Fourteen finalists ang kailangan nila. Magpi-perform ang mga napili sa July 14, 2012 sa PICC. Promise, pipilitin ko makakuha ng ticket para makanuod.

Naaalala ba ninyo yung MetroPop dati kung saan nanalo si Mr Ryan Cayabyab? Dun din kinanta ang Kung Ako Ba Siya ni Piolo Pascual at This Guy’s In Love With You Pare ng Parokya ni Edgar. Wala nang MetroPop ngayon kaya binuo ni Maestro Cayabyab ang Philpop.

Lahat pwede sumali sa competition. Pwede mga Amateur, pwede din mga Professionals. Pero syempre, ang hinahanap ng mga nag-organize ay isang kanta na bubuhay muli sa OPM. Sigurado ako, pagkatapos ng competition, babalik ang sigla ng musikang Pilipino.

Uulitin ko, 1  million pesos para sa mananalo. Yung 1st at 2nd runner up, merong 500k at 250k respectively. Pero ang iisipin ng tunay na musikero ay ang pagbalik sa boses ng Pinoy sa airwaves.

Hindi na tayo mapupurga sa KPop at Justin Bieber.

Gaya ng musika, napapasayaw at napapakanta ako pag kasama kita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *