Definition: Kerida

Kerida, yan ang spelling ko para sa issue na to. Wala akong pakialam kung Querida o Keri-da ang sayo, pero para sa akin, yang ang spelling.

Kerida, simple lang naman yan. Yan ang second option mo. Yan ang bagay na papasok sa isip mo kapag hindi available ang mahal mo. Yan ang pupuntahan mo kapag ayaw mag sexy time ng iyong ka-partner.

Third paragraph pa lang, sasabihin ko na sayo na mali yang iniisip mo na Kerida always equates to “Other Woman”. Hayaan mong murahin kita gamit ang word na TARANTADO kapag automatically, iniisip mo na importante sa buhay ang pagkakaroon ng “Other Woman”.

Leche! Kahit ako, kapag ayaw ng Diwata mag sexy time o makipagkulitan, hindi kailanman sumagi sa isip ko ang pagpunta sa Recto at pagpick up ng mga babaeng bayaran. Labag din sa values na tinuro sa akin ng mga magulang ko.

So, para sa isang kampeon, ano ba ang kerida?

Sasabihin ko na lang sa iyo lahat ng credentials ko. Para naman ma-gets mo kung anu-anong mga bagay ang pwede kong gawin pag wala ang Diwata.

  • Blog
  • Run
  • Bike

Yan lang ang first set. Eto pa ang kasunod:

  • Starcraft 2
  • League of Legends
  • Frisbee

Second set na yan. Malulupit yan. Eto ang last set:

  • Mag-ayos ng kwarto
  • Manuod ng movies/series
  • Maligo
  • Magdasal

Ang ibig sabihin ko lang sa blogpost na ito, marami ka pang pwedeng gawin sa buhay mo kapag single ka o di available ang better half mo. Kaya mong maging productive. Kung tutuusin nga, mas marami ka pang maa-accomplish pag sinundan mo ang formula ko.

Hindi mo kailangan gumawa ng ka-TARANTADUHAN kapag missing in action ang partner mo. Hindi gawain ng isang kampeon ang pangangaliwa. Walang naidudulot na tama ang hindi magandang gawain.

Ikaw lang ang mahal ko, tandaan mo yan. Wag mo lang ako pigilan mag-DOTA kapag may klase/trabaho ka.

0 responses to “Definition: Kerida

  1. tama 😀

    siguro may mga tao lang talgang hindi makuntento sa isa :/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *