Bagong USB Mouse From CD-R King

Ever reliable talaga ang CD-R King. Takbuhan ng mga nangangailangan ng Computer Peripherals.

Lately, puro talo ako sa StarCraft 2. Ang hirap na kasi gamitin ng aking 2-year old mouse. Libre lang din kasi yung mouse ko nun binili ko si Qarla. Hindi palusot yun. Malakas talaga ako sa StarCraft 2. Mouse ko lang talaga ang may problema.

Double time din kasi magtrabaho ang mouse ko. Kapag hindi siya ginagamit sa kaka-scroll ng mga Educational sites, click naman siya ng click sa mga chicken at horses sa malawak na lupain ng aking nanay sa Farmville.

CDR-King

Isipin mo na lang, sa isanlibong alagang hayop, tig-tatlong click bawat isa, edi tatlong libong click na yun sa isang upuan lang. Wala pa dito ang mga tanim na roses at artichokes.

HAPPY MOTHER’S DAY NGA PALA SA NANAY KO! Yung farm mo, baka need na natin umani at magtanim ulit.

Kaya nga sinabi ko sa sarili ko, bibili ako ng bagong USB Mouse. May sira kasi ang aking PS/2 slot. Kapag bumili ako ng  PS/2 na mouse, mababali lang yung isa sa mga needle.

Hindi ko na hahabaan ang article ko. Gusto ko lang talaga magpasalamat sa CD-R King dahil andyan sila parati. Madali pa makipag-transaction at pwede mo ma-test ang lahat ng gadgets na kukunin mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *