Colinas Verdes Residences and Country Club

Medyo malayo sa Metro Manila, pero promise, madali lang siya mapuntahan. One ride nga lang siya ng bus from EDSA. Biruin mo, yung mga bus papuntang Tungko, dadaan sa Colinas.

Bagong bago ang residential homes na to. Promise! Wala pa nga atang nakatira e. Medyo part siya ng Matataas na bundok papunta sa mataas na lugar ng Marikina kaya sure ako na walang Ondoy na makakapagpa-baha sa lugar na to.

Binuksan ang country club dahil buo na ang facilities. May swimming pool, bowling lanes and billiard tables. Meron din Tennis, Basketball and Badminton courts. Kung may mga company outings kayo, magandang dito na lang kesa magpakalayu-layo pa kayo.

 

Colinas Verdes

click the picture for more images of Colinas Verdes

It is 15 minutes away from SM Fairview. Actually, doon mo nga makikita yung billboard na sinasabing “15 minutes away”. Nung binilang ko ang oras, hindi nga ata inabot ng 15 minutes. Hindi naman kasi ganoon ka-traffic sa lugar.

Unending slopes ang residential area. Kung kukuha ka ng Architect na magpapatayo ng bahay mo, siguradong mage-enjoy siya sa page-experiment ng levels ng bahay ninyo. Mage-enjoy ka rin kung mahilig ka tumakbo dahil magsasawa ka sa uphill/downhill.

From Sta.Lucia Realy, Araneta Properties and Orchard Marketing ang Colinas Verdes. Click here for more information.

Gusto ko na ng bahay, pero mas gusto kong ikaw ang aking “Maybahay”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *